Connect with us

Viral

Mag-asawa na traysikel driver at mananahi, napagtapos ang apat nilang anak sa kolehiyo na siyang nagregalo sa kanila ng “house and lot” at isang bagong kotse!

Published

on

Lahat naman tayo ay mayroong pangarap sa buhay. Talagang napakasarap din naman ang mangarap lalo na kung para ito sa ating mga mahal sa buhay.

Ngunit sa kasamaang-palad ay maraming mga nagiging hadlang para matupad natin ang mga pangarap nating ito. Isa na rito ang kahirapan.

Ngunit hindi naging hadlang ang kahirapan para sa mag-asawang ito na pagpursigihan na mapagtapos ang kanilang apat na mga anak. Nagsilbing inspirasyon sa publiko si Tatay Jerry Calata na isang traysikel driver at si Nanay Cely na isang mananahi.

Mayroon silang apat na mga anak, sina Fatima na isang electrical engineer, si James na isang civil engineer, si Cecile na isang guro at si John na isang mechanical engineer. Mulat ang kanilang mga anak sa hirap ng buhay, nakikita nila ang bawat sakripisyo ng kanilang mga magulang.

 

Kahit na hindi malaki ang kinikita nila sa araw-araw nilang trabaho ay ginagawa nila ang lahat upang makaraos at makapagtabi rin ng pang-matrikula ng kanilang mga anak. Sinong mag-aakala na silang apat ay makakapagtapos ng kolehiyo at makakapasa ng board exam sa unang pagkakataon?


“Para sa amin kasi, hindi hadlang ang kahirapan para matapos yung gusto naming. Kaya kahit mahirap, sinabay talaga naming apat na magtrabaho sa fastfood or maghanap ng iba pang pagkakakitaan para matulungan din sina Nanay at Tatay.” Komento ni James.

Nang makapasa sa board exam ay nagtungo sina Fatima at Cecile sa Dubai habang si James naman ay nagtrabaho sa isang gas and oil company sa Kuwait. Dahil sa propesyonal na silang lahat ay napagdesisyunan nilang maghulog ng 80 square meter noong 2015-2018 sa halagang Php800,000 at taong 2018 naman nang pinatayuan na nila ito ng bahay na umabot ng halos Php2,000,000!

Taong 2019 at nakalipat na sila rito. Niregaluhan din nila si Tatay Jerry ng isang bagong sasakyan ngunit hindi ito naging dahilan upang itigil nito ang pamamasada niya ng traysikel.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media