Connect with us

Showbiz

LJ Reyes, inamin na nag-message sa kaniya si Paulo Avelino nang malaman ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis, magkakabalikan pa kaya sila?

Published

on

Naging masalimuot at talagang napakasakit ng pinagdaan ng aktres na si LJ Reyes sa kaniyang buhay pag-ibig. Maaalalang hindi nagtagal ang relasyon nina LJ at Paulo noong taong 2009 hanggang 2013 lalo na nang magbuntis ang aktres sa anak nilang si Aki.

Nagkalabuan na sila, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at nauwi na sa hiwalayan ang lahat. Muling tumibok ang puso ni LJ at nagmahal sa katauhan naman ng aktor at komedyanteng si Paolo Contis.

Sa loob ng anim na taon ay masayang silang nagsama kapiling ang panganay na anak ni LJ na si Aki at ang anak nila ni Paolo na si Summer. Ngunit nito lamang Setyembre 1, 2021 ay kinumpirma na ng aktres ang hiwalayan nila ng aktor at ngayon ay kasalukuyan silang nasa poder ng kaniyang ina sa Estados Unidos.


Marami ang nagulat nang aminin ni LJ sa “The Interviewer” ni Boy Abunda na nag-message pala sa kaniya si Paulo Avelino at sinabi nitong batid niyang mahirap ang pinagdaraanan niya ngayon ngunit kung mayroon siyang kailangan lalo na kung para sa anak nilang si Aki ay handa raw tumulong ang aktor. Dahil tubong-Baguio raw ang aktor ay naroroon din ang pamilya nito na nais ding dalawin ng anak nilang si Aki.

Nagpapasalamat ang aktres dahil sa mensaheng ito ng dati niyang nakarelasyon ngunit binigyang-linaw niya na hindi posibleng mauwi sa pagbabalikan ang lahat lalo na at naka-pokus siya ngayon sa kaniyang dalawang mga anak. Sobra sobra din ang pasasalamat ni LJ dahil sa walang-sawang pagsuporta sa kaniya ng kaniyang pamilya lalong-lalo na ng kaniyang ina.

“Sila yung nagsasabi na relax ka lang diyan. Enjoy. Do what you want to do. Kung kailangan mo ng time for yourself, you can do that. Iba talaga kapag sinabi ng nanay mo na ‘Sa akin ka muna’. Alam mong di ka ilalaglag. Di ka bibitawan kahit anong mangyari.” Pahayag ni LJ.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media