Connect with us

Showbiz

Kris Aquino, masayang ibinahagi sa publiko ang first date nila ng kaniyang fiancé na si Mel Sarmiento sa isang sikat na fast-food chain!

Published

on

Marami ang nasorpresa nang ibahagi na nga ni Queen of all Media Kris Aquino noong Oktubre 2021 patungkol sa plano nilang pagpapakasal ng dating Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Mel Sarmiento. Masayang masaya at talagang “feeling blessed” ang batikang aktres at host dahil sa wakas ay mayroon na siyang makakasama sa buhay.

Maaalala na ilang buwan pa lamang ang nakalilipas buhat nang pumanaw na ang kaniyang nakatatandang kapatid na si dating Presidente Noynoy Aquino. Nakakatiyak din daw si Kris na ang kaniyang Kuya Noynoy talaga ang gumawa ng paraan upang magkakilala at magkahulugan ng kalooban ang dalawa.

Minsan na ring naibahagi ni Kris sa kaniyang social media account ang patungkol sa unang date nilang dalawa. Sa isang kilalang fast-food chain na lamang daw sila kumain. Nagkataon din na galing sila sa isang kasalan kung saan sila ang naging mga isponsor.

Dahil sa halos 3 oras pa ang biyahe pauwi magmula sa naturang kasal ay napagpasyahan nilang kumain muna sa isang kilalang fast-food chain restaurant. Dati na itong inieendorso ni Kris kung kaya naman tila na-miss niya din ang ganitong mga pagkain.

Samantala, nakasuot pa pala silang ng gown at barong kung kaya naman talagang naging agaw-pansin sila sa mga taong naroroon ng mga oras na iyon. Dagdagpa ni Kris matagal na daw mula nang maranasan niya ito na para bang siya ay isang normal na tao lamang.

Gusto niya ang ganitong pakiramdam at talagang hindi niya raw ito basta-basta makakalimutan. Simpleng date man ito ay naging sobrang espesyal dahil sa kasama niya ang taong nagmamahal at rumerespeto sa kaniya. Patunay lamang ito na hindi pa huli ang lahat para sa marami pang mga taong umaasa at nangangarap na balang-araw ay makikilala din nila ang taong makakasama nila sa habangbuhay.

Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ng isang Kris Aquino mula pagkabata kung kaya naman talagang nararapat din siyang lumigaya sa piling ng kaniyang minamahal.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media