Connect with us

Showbiz

Kiray Celis, sobrang haba ng hair matapos regaluhan ng mamahaling cellphone at branded footwear ng kaniyang nobyong si Stephan Estopia!

Published

on

Si Johanna Ismael Celis o mas nakilala natin bilang si Kiray Celis ay ang 26 na taong gulang na aktres, komedyante, at founder ng “Chicks and Fins”. Marami ang humahanga sa kaniya dahil isa siya sa pinakamahuhusay na artista sa bansa.

Marami na rin siyang nagawang proyekto at napatunayan ang angkin niyang talento sa larangan ng pag-arte. Isa rin siyang ulirang anak dahil sa nagagawa rin niyang suportahan ang kaniyang pamilya.

Masayang masaya siya at kuntento sa tuwing naibibigay niya ang pangangailangan ng kaniyang mga mahal sa buhay. Kung kaya naman talagang masasabi natin na mayroon siyang malaki at mapagmahal na puso para sa kaniyang pamilya.


Ngunit marami ang tumutukso sa kaniya noon dahil sa matanda na raw siya ngunit wala pa ring lalaking nanliligaw sa kaniya. Masakit at nakakalungkot na marinig ito mula sa ibang tao ngunit batid naman din ni Kiray na hindi siya ganoon kaganda upang pagkaguluhan ng mga manliligaw.


Naging masaya pa rin ang aktres kahit na single siya ng matagal na panahon hanggang isang araw ay ginulat na lamang niya ang publiko nang ibahagi niya ang nakakakilig at sweet na larawan nila ng kaniyang nobyo na si Stephan Estopia. Taong 2018 pa nang isapubliko nila ang kanilang relasyon ngunit hanggang ngayon ay palagi pa ring pinakikilig ni Stephan ang kaniyang nobyo.

Hindi lamang mga cake at maraming bulaklak ang iniregalo niya sa nobya kundi isang brand new iPhone 13 at mamahaling Louis Vuitton footwear. Bagamat walang inanunsiyong halaga ang aktres, marami kanilang mga tagahanga ang nakaaalam kung nasa magkano ang presyo ng mga regalong ito.

Talaga namang napa-sana all na lamang ang marami dahil sa hindi lamang daw gwapo ang nobyo ni Kiray kundi napakalambing at napaka-thoughtful din. Marami na ang tumutukso kay Kiray ngayon dahil sa pagkakaroon ng nobyong katulad ni Stephan.

Marami din ang masaya dahil sa wakas ay nakatagpo na siya ng taong magmamahal sa kaniya ng totoo at buong-buo.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media