Connect with us

Showbiz

Kim Chiu, masayang ipinasilip sa publiko ang napakaganda niyang “White Christmas Tree” para ngayong taon!

Published

on

Buwan pa lamangng Setyembre ay talagang mararamdaman na ang Kapaskuhan sa bansa. Maraming mga tahanan at establisyemento na ang nagsisimulang mag-ayos ng kanilang mga dekorasyon bilang paghahanda sa Araw ng Pasko.

Habang ilang mga Pilipino naman ang nagsisimula nang mamili at mag-ipon ng mga regalong pamasko para sa mga kapamilya o mga inaanak. Siyempre, hindi rin naman magpapahuli ang mga sikat na personalidad sa bansa.

Maging sila ay naghahanda rin ng dekorasyon para sa kapaskuhan. Isa na nga sa kanila ang host at aktres na si Kim Chiu. Si Kimberly Sue Yap Chiu o mas nakilala natin bilang si Kim Chiu ay 31 taong gulang na aktres, modelo, host, singer, dancer, at vlogger.

Kilala din siya bilang “Chinita Princess” at Big Winner ng “Pinoy Big Brother Teen edition”. Kamakailan lamang ay naibahagi niya sa kaniyang vlog ang kaniyang “Christmas Tree” ngayong 2021.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Kim mismo ang nagdidisenyo ng “Christmas Tree” sa loob ng kanilang tahanan. At para ngayon taon ay naisipan niyang gumawa ng isang “White-themed Christmas Tree”.


Ito ay hindi lamang dahil namimiss na daw niya ang pagbiyahe sa ibang bansa kung saan may snow o “White Christmas” kundi dahil sumisimbolo din daw ito ng pag-asa para sa maraming mga Pilipino. Sa gitna ng pandemyang naranasan at patuloy pa rin nating nararanasan sa ngayon ay nais pa rin niyang magbigay ng pag-asa para sa ating lahat.

Sa dulo ng kaniyang vlog ay itinampok niya rin ang naging mga komento ng kaniyang mga kapatid at pamagkin patungkol sa kaniyang naging pagdidisenyo sa kanilang Christmas tree at talaga namang tuwang-tuwa sila sa napakagandang disenyo nito. Marami ding mga netizens ang hindi magkamayaw sa pagkokomento kung gaano kaganda at kamang-mangha ang ginawang ito ni Kim. Narito ang ilan sa kanilang mga naging pahayag:

“I’m so amaze with Kim. Galing nya mg decorate. Thumbs up! Pwede na pwedeng interior decorator si Kimmy.” Papuri ng isang netizen.

“You never fail to amaze us with your creativity. It’s a beautiful Christmas tree. Hands down to you Kim that despite your busy sched, you find time to personally decorate your tree.” Pahayag naman ng isa pa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media