Connect with us

Showbiz

Kilalanin ang ina ni Meryll Soriano na si Becbec Soriano, ito na ang tahimik niyang buhay ngayon kasama ang kaniyang sariling pamilya!

Published

on

Isa na marahil sa pinakasikat at pinakamayamang artista ngayon ang “Wowowin” host na si Willie Revillame. Ayon sa ilang mga ulat, ang worth net niya ngayon ay halos higit isang bilyong piso.

Marami siyang mga negosyo at marami din siyang naipundar na mga ari-arian kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maging isa siya sa pinakamatagumpay na aktor at negosyante ngayon. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na lapitin talaga siya ng mga babae noong kaniyang kabataan.

Ngunit iilan lamang ang talagang nagpatibok ng kaniyang puso. Taong 1990 hanggang 1997 nang magsama at mapawalang-bisa ang kasal nila ng batikang kontrabida na si Princess Punzalan.

Habang taong 2005 hanggang 2008 naman ang naging relasyon niya sa dati niyang asawa na si Liz Almoro. Mayroon na siyang apat na mga anak. Si Meryll Soriano sa kaniyang teenage sweetheart na si Becbec Soriano, si Juamee sa dati niyang misis na si Liz, at si Marimonte naman sa dating non-showbiz girlfriend niya na si Sharon Viduya.

Bagamat limitado lamang ang mga impormasyon patungkol sa mga naging karelasyon niya noon at sa kaniyang mga naging anak, hindi na lingid sa kaalaman ng marami na si Becbec Soriano ay kapatid ni Diamond Star Maricel Soriano. Marami ang nagtatanong kung nasaan na nga kaya ngayon si Becbec?


Ayon sa ilang mga ulat, siya ay naninirahan na sa Japan kasama ang kaniyang sariling pamilya. Nakapag-asawa siya ng isang Japanese na kilala sa pangalan na Papa Gu. Nabiyayaan sila ng dalawang mga anak sina Kei at Ken.

Baking at pagsasalita ng Nihonggo ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Ngunit kahit pa nga mayroon na siyang sariling buhay sa ibang bansa kasama angkaniyang pamilya ay madalas pa rin silang magkasama ng kaniyang panganay na si Meryll gayundin ang panganay niya sa dating mister na si Bernard Palanca na si Elijah at ang ikalawang anak niya sa partner niya ngayon na si Joem Bascon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media