Connect with us

Showbiz

John Lloyd Cruz, mayroong mensahe para kay Ellen Adarna sa pagpapakasal nito kay Derek Ramsay

Published

on

Taong 2017 nang mabalitaan natin ang naging “showbiz hiatus” ng sikat na aktor na si John Lloyd Cruz. Nasa kalagitnaan sila noon ng isang kilalang comedy sitcom. Kinailangan ng aktor na mag-file ng indefinite leave sa showbiz upang pagtuuna ang ilang personal na bagay.

Hanggang sa ipinakilala na nila ng aktres na si Ellen Adarna ang kaniyang anak na si Elias Modesto sa publiko. Bagamat nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang naging relasyon ay nabiyayaan naman sila ng isang napakagwapo at napakabibong anak.

Sa ngayon ay nasa “co-parenting status” ang dalawa para sa kanilang unico hijo. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan din ang enggrandeng kasal ni Ellen at Derek na talaga namang sinubaybayan ng marami.

Bawat detalye ng kanilang kasal ay talagang kamangha-mangha at pinag-isipan ng husto. Pinaglaanan din talaga ng pera at panahon ang espesyal na araw nilang ito.

Nito lamang linggo, Nobyembre 21, 2021 ay naitampon naman si John Lloyd sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” kung saan siya ay natanong patungkol sa kaniyang mensahe sa naging pagpapakasal ng dating minamahal. Ang kaniyang mensahe na talagang umantig sa puso ng publiko ay “Finally, she found the one.”

Walang halong sama ng loob at panghihinayang ang kaniyang mga sinambit at talagang wala siyang ibang hangad kundi ang kaligayahan ng dati niyang nobya sa piling ng iba. Dagdag pa ni John Lloyd ay hiling niya ang lahat ng kasiyahan para sa ina ng kaniyang anak, nawa ay maging matatag din ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa dahil sa “vital” daw ito para sa paglaki ng anak nilang si Elias.

Tunay nga na marami ang mas humanga pa sa aktor dahil sa wala siyang ibang nais kundi ang ikabubuti ng kaniyang anak. Maingat din daw siya sa mga salitang binibitiwan niya lalo na kung patungkol kay Ellen lalo na at mayroon na rin itong sarili niyang buhay.

Marami din naman ang nagdarasal na sana ay matagpuan din ni John Lloyd ang taong nararapat para sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media