Connect with us

Viral

Jinkee Pacquiao, ipinasilip sa publiko ang napakagandang dekorasyon ng kanilang mansyon para sa nalalapit na kapaskuhan!

Published

on

Labis na pinapahalagahan ng maraming mga Pilipino ang pagdiriwang natin ng kapaskuhan. Hindi lamang dahil sa pagiging relihiyoso ng marami sa atin kundi dahil nakasanayan na rin talaga nating magdiwang nito kapiling ang ating mga mahal sa buhay.

Hindi na rin nakapagtataka na maraming mga banyaga ang pumapasyal sa Pilipinas para maranasan ang tradisyon nating ito. Sa pagsapit ng buwan ng Setyembre ay marami nang mga pamilya ang nagsisimulang maghanda at mag-ayos ng kanilang mga dekorasyon pang-Pasko.

Ilang mga sikat na personalidad pa nga ang mayroong iba’t-ibang tema nito bawat taon. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng misis ni senador at presidential candidate na si Manny Pacquiao ang napakaganda nilang mansyon.

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang makulay at nakakamangha nilang Christmas decor para sa kapaskuhan. Napakaraming “golden lights” ang masisilayan sa kanilang hardin.
Ang matatayog nilang mga puno ay mayroon ding ganitong mga palamuti. Kapansin-pansin din naman ang mga usa at iba pang mga hayop na nagniningning din ang kulay.

Siguradong kahit sino man ang madaan at makakita ng mga ito ay mangingiti at maliligayahan dahil mararamdaman mo talaga ang panahon ng kapaskuhan. Nagbahagi din si Jinkee ng kanilang family picture kung saan kumpleto silang mag-anak.

Dagdag pa niya ay miss na miss na daw niya talaga ang kaniyang mga anak. Tunay nga na sa panahon na ito ay mas nais ng marami sa atin ang makasama na lamang ang ating mga mahal sa buhay.

Ang panahon ng kapaskuhan ay panahon ng pagmamahalan at pagsasama-sama ng bawat pamilya. Aminado si Jinkee na naging abala din kasi siya sa pagsama at pagsuporta sa kaniyang mister na naglilibot sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas upang mamahagi ng tulong sa maraming mga Pilipino at batid niya din naman na naintindihan din ito ng kanilang mga anak.

Marami din ang nagpapaabot ng suporta sa senador sa pagtakbo nito sa darating na eleksyon sa pagka-presidente. Marami siyang layunin para sa bansa at para sa mga Pilipino kung kaya naman talagang ninais niya na ang tumakbo sa pinakamataas na posisyon.

Source and Credit: Instagram


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media