Connect with us

Showbiz

Jimmy Santos, nag-abot ng tulong sa mga taong nangangailangan bilang pagdiriwang sa kaniyang ika-70 taong kaarawan!

Published

on

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Jimmy Santos o si Jaime Santos sa tunay na buhay? Siya ay isang aktor, komedyante, TV host, at dating propresyonal na basketball player.

Marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya dahil sa talaga namang napakabait niya. Sa katunayan, bilang pagdiriwang sa kaniyang ika-70 taong kaarawan ay napagdesisyunan niyang ipamahagi ang kaniyang mga natatanggap na biyaya sa mga taong kapus-palad.

Lumibot siya sa ilang mga kalsada upang makahanap ng taong pagbibigyan ng ilang mga “food packs” mula sa “Puregold”. Una na niyang naabutan ng tulong ang batang si Margie na 15 taong gulang pa lamang.

Naabutan niya itong nakasalampak sa kalsada at namamalimos. Napakapayat nito at napansin ng batikang komedyante na hirap siyang magbitbit ng kaniyang ibinigay kung kaya naman inabutan na rin niya ito ng pamasahe upang hindi na siya maglakad pa pauwi.


Ang sumunod naman niyang nakilala at binigyan ng tulong ay si Arturo. Siya ay mayroon pang kasama na dalawang bata habang nagtatrabaho.

Dalawang daang piso lamang daw ang kaniyang kinikita sa araw-araw at pilit na pinagkakasya sa kanilang buong pamilya. Hindi nagpaawat ang birthday celebrant sa paghahanap ng mga matutulungan kahit pa nga inabutan na siya ng ulan.

Isang babaeng nagtitinda ng empanada naman ang kaniyang nakilala at isa pang yaya na bitbit ang kaniyang anak. Ayon sa yaya na si Sheena ay galing daw sila ng kaniyang anak sa kulungan upang mabisita ang kaniyang asawa doon.

Maging ang mga batang naghahakot ng basura sa ilang mga kabahayan ay naabutan din niya ng tulong. Tunay nga na marami ang napasaya ni Jimmy Saints sa kaniyang kaarawan.

Hindi rin naman matatawaran ang kagalakan at pagpapasalamat ng mga taong naabutan niya ng tulong lalo na ngayon na panahon pa rin ng pandemya. Nagpaalala din si Jimmy sa kaniyang mga tagasubaybay na madali ang makahanap ng kaaway ngunit mahirap ang makahanap ng kaibigan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media