Connect with us

Showbiz

Jillian Ward, masayang ipinakilala sa publiko ang kaniyang napakaganda at bagong “baby” na isang BMW!

Published

on

Lahat naman tayo ay mayroong kaniya-kaniya nating pangarap sa buhay. Marami sa atin ang talagang nagsusumikap at nagpupursige sa buhay dahil nais nating makamit ang mga “long-term” at “short-term goals” natin.

Ang mga ito ay hindi lamang patungkol sa ating mga sarili kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Kung kaya talaga namang nakakamangha at isang napakagandang inspirasyon para sa ating lahat ang makakita ng taong unti-unting natutupad ang kaniyang mga pangarap.

Tulad na lamang ng aktres na si Jillian Ward. Si Jhyllianne Warde ay 16 na taonggulang na teen actress, modelo, singer, at vlogger. Una na natin siyang hinangaan bilang si Gertrudis “Trudis” Capili sa Sine Novela ng GMA network na Trudis Liiit.

Hinahangaan din siya ngayon bilang si Donna Marie “Mayi” Madreal / Claveria sa “afternoon drama” na pinamagatang “Prima Donnas”. Tunay nga na sa murang edad ay marami nang nagawang proyekto si Jillian.

Napatunayan na niya kung gaano siya kahusay pagdating sa pag-arte, maging sa pagsayaw at pag-awit. Hindi na nakapagtataka na marami na siyang naipundar mula sa kaniyang mga nagawang proyekto. Kamakailan nga lamang ay napamangha niya ang publiko nang ipasilip niya ang bago niyang “baby”.

Sa ibinahagi niyang larawan sa kaniyang Instagram account ay nakasuot siya ng isang itim na damit habang siya ay nakaupo sa isang bago at napakagandang sasakyan. Tunay nga na ito ay mula sa kaniyang pagsusumikap at pagpapagal sa kaniyang trabaho kung kaya naman marami ang nagkomento na “deserve” niya talaga ito.

Noon pa man ay kitang-kita na ng marami kung gaano siya kasipag at kahusay sa kaniyang propesyon kung kaya naman hindi na nakapagtataka na siya ay makaipon at makapagpundar ng isang BMW. Lalo na at bilang isang artista ay mahalaga talaga ang pagkakaroon ng sariling sasakyan.

Ikaw, ano ang pangarap mo para sa iyong sarili? Gumagawa ka ba ng paraan upang makamit mo ito?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media