Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, sinorpresa ang kaniyang ina na si Mama Alawi para sa kaarawan nito ng regalo na nagkakahalaga ng isang milyong piso!

Published

on

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga pinagdaanan ni Ivana Alawi bago pa man niya makamtan ang tinatamasa niyang kasikatan at tagumpay sa ngayon. Noon pa man ay gusto na raw talaga niyang maging artista ngunit sadyang napakarami niyang mga sinalihan na audition ngunit halos lahat ay ni-reject siya.

Nawalan na siya ng pag-asa na tuluyang makapasok sa showbiz kung kaya naman nag-aral na lamang siyang maging isang “housewife”. Ito raw ang naging dahilan niya kung kaya siya kumuha ng culinary na course.

Nais niyang pagsilbihan at ipagluto ang kaniyang mapapangasawa. Marami ang nagulat sa pag-amin na ito ni Ivana.

Ngunit mas marami ang humanga at mas nagbigay ng suporta sa kaniya. Hindi rin naman maitatanggi na isang mapagmahal na anak at kapatid ang aktres.

Hindi mahalaga sa kaniya ang pera at materyal na bagay dahil ang kaniyang prayoridad talaga ay ang kaniyang pamilya. Kaugnay nito, masaya nilang ipinagdiwang ang kaarawan ng kaniyang ina na si Mama Alawi.

Nagbahagi ng ilang mga throwback photos si Ivana kasama ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid. Buong pagmamalaki niyang ibinahagi ito sa milyon-milyon niyang taga-hanga at sinabi niya rin kung gaano niya kamahal ang kaniyang ina.

Labis din daw siyang nagpapasalamat dahil noon na wala pang naniniwala at nakakilala sa kaniya ay nariyan na ang kaniyang ina na naging number 1 fan at supporter niya. Dahil sa napakaespesyal ng araw na ito hindi lamang kay Mama Alawi kundi para na rin kay Ivana, nagtungo ang buong pamilya sa The Vineyard at Tanauan Hotel Resort.

Dito ay nakapag-bonding at nakapagpahinga ang mag-anak. Masayang masaya rin naman sila sa serbisyo ng resort tulad na lamang halimbawa ng customary golf cart, masasarap na mga pagkain, at yacht ride experience.

Para naman sa bonggang regalo ni Ivana sa kaniyang pinakamamahal na ina, pinili niyang mamitas ng ubas na isa sa pinakapaborito ng kaniyang ina na gawin. Dahil ayaw daw ng kaniyang ina ng kahit anong gamit bilang regalo, kung kaya naman pinagpitas na lamang niya ito ng mga tseke na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

“Milyonaryo na ako!” komento ni Mama Alawi.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media