Connect with us

Viral

Isang working student na mayroong pasang-awa na grado sa eskwela noon, nagsumikap at napasama pa sa Top 10 Civil Engineering Board Exam!

Published

on

Marami ang humanga sa dedikasyon at pagpupursige ng working student na si Jobert De La Cruz. Talaga namang nagsumikap siya ng husto upang makapagtapos ng Civil Engineering.

Kung noon ay halos pasang-awa (3.0) ang kaniyang mga grado sa kolehiyo, ngayon ay nakapasa na siya sa Civil Engineering Board Exam noong 2019 at kabilang pa siya sa Top 10! Nasungkit niya talaga ang ika-10 pwesto dahilan upang bigyan siya Php100,000 ng University of Cebu at Php10,000 naman mula sa kaniyang naging review center.

Ayon kay Jobert, hindi talaga naging madali ang lahat dahil sa nagtrabaho muna siya noon nang makapagtapos siya ng hayskul bilang karpintero. At dahil nga sa kahirapan ay hindi pa siya nakapasok agad sa kolehiyo.

Kailangan niya ng pera at kailangan din ng magandang grado upang siya ay makapasok sa gusto niyang kurso na Civil Engineering. Nagtrabaho din siya bilang isang factory worker kung saan pinilit niyang makaipon upang makabalik sa pag-aaral.


Nang siya ay makapasok na sa kolehiyo na walang grade requirement ay nagsumikap din naman siyang maging isang working student upang mas matustusan ang kaniyang pag-aaral. Hindi naging madali ang puyat at pagod na kaniyang naranasan kahit pa nga noong siya ay nasa review center ay kinakailangan niyang mag-commute araw-araw dahil wala siyang pera pang-renta ng tirahan malapit sa kanilang review center.

Nang araw na mismo ng kanilang board exam ay talagang nahirapan na siya kaagad sa Subject MSTE (Mathematics, Surveying and Transportation Engineering) ngunit sinikap pa rin niyang matapos at masagutan nang maayos ang unang batch na ito. Nang lumabas na ang resulta ng kanilang board exam ay hindi siya mapaniwala na makakapasa siya at magiging Top 10 pa!

Pinigilan niyang maiyak sa harapan ng kaniyang mga kapatid ngunit kinabukasan ay talagang humagulgol siya sa banyo at nagpasalamat ng husto sa Diyos dahil sa naging paggabay nito sa kaniya. Sa ngayon ay isa na siyang college instructor sa “University of Cebu” at sa “Gillesania Engineering Review and Training Center” (GERTC).


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media