Connect with us

Viral

Isang rider ang naawa sa matandang ito na naglalako ng ice cream sa kalsada at wala pang benta ng mga oras na iyon!

Published

on

Sobrang hirap ng buhay ngayon. Ramdam na ramdam ng maraming mga Pilipino ang hirap ng buhay dahil kahit gaanong pagsusumikap pa ang gawin natin ay hindi pa rin tayo makaahon sa hirap.

Ang tanging pag-asa na lamang natin ay ang mga taong tumutulong ng walang hinihintay na kapalit tulad na lamang ng isang vlogger at rider na ito na hindi na nag-atubili pang tulungan ang isang matandang lalaki na nakita niyang nagtitinda ng ice cream sa kalsada.

Ang naturang vlogger-rider ay nakilala bilang si Team Katagumpay. Ayon sa kaniyang naging pahayag, nadaanan niya ang matandang vendor na pumukaw sa kaniyang atensyon.

Pansin niyang malungkot ang matanda kung kaya naman nilapitan na niya ito at kinausap. Sinubukan niyang kausapin at biruin ang matanda sa pamamagitan ng paghahanap ng mga flavor tulad ng kamote, pakwan, at pomelo.

Nang mapansin niyang maaari na niyang kausapin ang matanda ay agad niya itong tinanong kung ilang taong gulang na siya. Ang matandang vendor pala ay 71 taong gulang na at mag-isa na lamang sa buhay.

Kung kaya naman kailangan niyang magtinda upang mayroon siyang panggastos at pangkain sa araw-araw. Nasa 40 piraso daw ng ice cream ang itinitinda niya sa araw-araw.

Ngunit sadyang matumal daw talaga ang benta ng mga araw na iyon dahil na rin marahil sa pandemya mas nais ng marami na bumili na lamang ng mga pangunahin nilang pangangailangan. Dahil sa naging kwentong ito ng matanda ay agad niyang sinabi sa matanda na papakyawin na lamang niya ang kaniyang paninda.

Labis naman ang naging pasasalamat ng matanda na noong una ay hindi pa makapaniwala. Inabutan na siya ng 1,000 piso na magiging kita niya nang araw na iyon at kinabukasan. Tunay nga na marami pa ring mabubuting tao sa ating paligid ngayon.

Hindi matatawaran ang nagiging tulong nila sa mga taong kapus-palad ngunit patuloy pa ring lumalaban sa hamon ng buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media