Connect with us

Viral

Isang magna cum laude, hindi kailanman ikinahiya ang kaniyang ama na isang padyak driver na siyang sumuporta sa kaniya!

Published

on

Para sa maraming mga magulang, wala silang maibibigay na yaman sa kanilang mga anak kundi ang edukasyon. Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagnanais ng maraming mga magulang na mapagtapos ang kanilang mga anak.

Sa oras kasi na makapagtapos na sila ng kolehiyo ay tiyak na makakahanap sila ng magandang trabaho at dito magsisimula ang magandang kinabukasan nila. Naging napakagandang inspirasyon sa publiko ang estudyanteng si Sandra Estefani Ramos dahil siya ay nagsumikap ng husto sa pag-aaral para sa kaniyang pedicab driver na ama.

Taong 2019 pa nang kumalat ang kaniyang kwento sa social media ngunit hanggang ngayon ay marami pa ring tao ang napapahanga niya. Nang malaman niyang siya ay magtatapos bilang isang magna cum laude, hindi siya talaga makapaniwala dahil sa batid daw niyang mas maraming mga matatalino sa kanilang paaralan ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay panghinaan ng kalooban.

Dahil nakita niya kung paanong nagpursige ang kaniyang ama at ang kaniyang ina upang siya ay makapagtapos ng pag-aral, mas lalo pa siyang nagtiyaga at naging determinado. Siya ay nakapagtapos ng Bachelor of Secondary Education sa “Bicol State College of Applied Sciences and Technology”.

Nagpahatid pa mismo si Sandra sa kaniyang ama para sa kanilang pagtatapos dahil sa proud siya sa trabaho ng kaniyang napakasipag na ama.

““Inuuna po kasi ng asawa ko yung projects, pamasahe, yung tira, pagkain namin.” Pahayag ni Aling Cyril patungkol sa sakripisyo ng kaniyang asawa.

“Lagi ko siyang niyayakap pag hinahatid niya ako sa terminal. Hindi ko naranasang maging pedicab driver, pero pag tinitingnan ko siya, parang nararamdaman ko yung hirap kaya lalo kong ginagawa ang best ko.” Pagsasalaysay pa ni Sandra.

Sa ngayon ay Junior High School Teacher na siya sa Camarines Sur National High School. Aktibo rin siya sa kanilang simbahan at bokalista rin ng kanilang bandang 1MB.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media