Connect with us

Viral

Isang apat na taong gulang na bata, marunong nang mag-ipon para sa kaniyang kinabukasan!

Published

on

Aminin man natin o hindi, talagang napakahirap mag-impok o mag-ipon lalo na sa panahon natin ngayon hindi ba? Hindi lamang dahil sobrang patok ang mga online shopping ngayong panahon ng pandemya kundi dahil marami din talagang mga bagay ang maaaring maging dahilan upang tayo ay magpabudol.

Lalo na kung tayo ay mayroong inaasahang sweldo buwan-buwan o di kaya naman ay mayroong credit card. Ngunit sadyang namangha ang publiko nang malaman ang kwento ng batang ito na nakilala bilang si Althea Tumapon, apat na taong gulang at tubong Lanao del Norte.

Sa kaniyang musmos na edad ay marunong na siyang mag-ipon ng pera! Ibinahagi ng kaniyang titan a si Alyssa Mary Tanjay Tumapon ang nakakabilib na katangiang ito ng kaniyang pamangkin.

Dahil parehong mayroong kapansanan ang kaniyang mga magulang ay talagang pilit nitong itinatabi ang lahat ng perang ibinibigay sa kaniya ng kaniyang lolo at lola, mga tito at tita. Hindi niya ito pinambibili ng pagkain, kendi, o maski ng laruan dahil sa itinatabi niya raw ito para sa kaniyang pag-aaral.


Labis na nagulat si Alyssa nang marinig niya ito sa kaniyang musmos na pamangkin. Kung tayo ay abala sa pamimili at pag-a-add to cart ng maraming mga naka-sale online, wala namang mintis ang pagtitipid at pag-iimpok ng batang ito.

Napakaraming mga netizens ang humanga at bumilib sa kaniya dahil sa murang edad ay batid na ito ang mga bagay na dapat naman talaga nating bigyan ng halaga. Tiyak na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang batang si Althea.

Walang magiging hadlang upang makapagtapos siya ng pag-aaral kahit pa ang kahirapan, kasalatan sa buhay, o ang kawalan ng materyal na bagay. Tiyak na maraming mga kabataan ang mahahamon sa kwento na ito ni Althea.

Kung mas maraming mga kabataan ang mamumulat sa reyalidad na ito ng buhay, mas maraming mga pangarap ang matutupad at mga pamilyang makakaahon sa hirap ng buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media