Connect with us

Showbiz

Ina Raymundo, namimiss ang kaniyang anak na si Erika Rae matapos itong lumipad patungong Amerika upang doon mag-aral!

Published

on

Hindi madali ang pagiging isang magulang. Kung noon ay nasanay tayo na tanging sarili lamang natin ang ating iniisip, sa oras na maging magulang ka ay mas uunahin mo na ang kapakanan ng iyong anak.

Mas nais mo nang paghandaan ang kaniyang kinabukasan at wala ka nang ibang nanaisin pa kundi ang ikabubuti niya. Marami ka ding pagdadaanan na hirap at pagsasakripisyo ngunit ang lahat ng ito ay mapapawi rin naman kaagad lalo na kung makikita mong masaya at walang sakit ang iyong anak.

Tunay ngang kakaiba at “life-changing” ang pagiging isang magulang ngunit ito ay isang napakagandang karanasan din para sa atin. Kamakailan lamang ay marami ang naka-relate sa aktres na si Ina Raymundo nang magbahagi siya ng kaniyang nararamdaman sa social media.


Si Ina Raymundo ay isa sa pinakasikat na aktres noong kaniyang kadalagahan. Dekada ’90 nang magsimula siya sa showbiz bilang isang aktres at modelo. Marami ang namangha sa kaniya sa kaniyang TV commercial noon na “Sabado Nights”.

Dahil dito ay mas marami pa ang humanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan, talento, at kaseksihan. Nakilala din niya ang kaniyang asawa na isang Ukranian-Canadian businessman na si Brian Poturnak.

Nabiyayaan sila ng limang mga anak. Sina Erika Mae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage, Minka Eve. Talaga namang namana rin ng kaniyang mga anak ang angking kagandahan at kagwapuhan nilang mag-asawa.

Bilang isang magulang ay talagang mahal na mahal ni Ina ang kaniyang mga anak. Ngunit kamakailan lamang ay kinailangan nang mag-kolehiyo ng kaniyang panganay na si Erika Mae na naging dahilan upang malungkot ang aktres at labis na ma-miss ang kaniyang anak.

Ayon sa ilang mga naging post ni Ina, ito na raw ang pinakamatagal na panahong nawalay siya sa kaniyang anak ngunit batid naman niyang ito ay para sa kinabukasan ng kaniyang anak na kasalukuyang nag-aaral sa Berklee College.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media