Connect with us

Showbiz

Herlene Budol, ibinahagi sa publiko ang kaniyang DM noon sa “super crush” niyang si Jak Roberto na apat na taon na pala ang nakakalipas!

Published

on

Si Herlene Nicole Budol o mas nakilala natin bilang si “Hipon Girl” ay 22 taong gulang na komedyante, host, at aktres sa Pilipinas. Una na natin siyang napanuod sa segment ng Wowowin na “Willie of Fortune”.

Bumilib sa kaniya ang host na si Willie Revillame dahil sa galing niya sa pagpapatawa at sa napakaganda niyang pangangatawan. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko kung ano ang pinagdaanan ni Herlene bago pa man siya maging isang sikat na artista.

Sa ngayon ay marami nang naipagkakatiwalang proyekto sa kaniya ngunit noon ay talagang nagsimula talaga siya sa pinakamababa. Hindi siya laking mayaman dahil mulat siya sa hirap ng buhay noon pa man.


Lumaki siya sa piling ng kaniyang lolo at lola kung kaya naman mahal na mahal niya ang mga ito. Kasama rin niya ang kaniyang ama ngunit hiwalay na sila ng kaniyang ina.

Nagsumikap si Herlene katuwang ang kaniyang pamilya. Kahit mahirap ang bawat hamon ng buhay at hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na balang-araw ay magiging matagumpay din siya.

Kahit pa nga marami ang nagsasabi sa kaniya na hindi naman talaga siya kagandahan at magandang katawan lamang ang mayroon siya, pinatunayan pa rin niyang mayroon siyang maibubuga.

Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang kaniyang post kung saan niya ibinahagi ang ilang mga larawan o screenshot ng mga mensahe niya noon kay Jak Roberto na “crush” na “crush” pala niya noon pa man.

Taong 2017 pa ang mensahe niyang ito kung saan nagpakilala siya sa aktor bilang kaniyang “super fan”. Humihiling din siya ng video greeting dito para sa kaniyang ika-18 taong kaarawan.

Ngunit nito lamang nalaman ni Jak ang kaniyang mensahe at malugod naman siyang pinagbigyan nito ng isang video greeting makalipas ang 4 na taon! Malaki ang pasasalamat ni Herlene dahil hindi lamang siya napansin ng aktor, nakatrabaho pa niya ito sa isa sa mga “episode” ng “Dear Uge”.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media