Connect with us

Showbiz

Halloween costumes ng mga sikat na artista sa showbiz ngayong 2021, alamin!

Published

on

Nakasanayan na ng maraming mga Pilipino ang pagdiriwang ng maraming mga okasyon sa bansa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay namangha tayo sa mga naging Halloween costumes ng mga paborito nating artista. Narito ang ilan sa kanila:

KIMCHIU (Snow White)


Ang Chinita Princess na si Kim Chiu ay nagbihis bilang si Snow White na isa sa pinakasikat na Disney character sa mga bata at maging sa mga “young-at-heart”. Ibinahagi niya ito sa kaniyang social media account at nilagyan niya ng caption na “Somewhere in the middle of nowhere!!!! Di ko rin alam san to eh!”

ISABELLE DAZA (Betelguese ng 1988 film na “Bettlejuice”)


Ibinahagi naman ni Isabelle Daza ang kaniyang Halloween entry ngayong taon bilang si Betelguese ng 1988 film na “Bettlejuice”. Kuha ang kaniyang larawan sa mismong living room ng kanilang tahanan. Nilakipan niya din ito ng caption na “Ugh I’m basic this year”.

ANDREA BRILLANTES (Beth Harmon ng “The Queen’s Gambit”)


Pinaghandaan namang muli ng young actress na si Andrea Brillantes ang kaniyang Halloween costume ngayong taon. Siyaay naging si Beth Harmon ng 2020 historical film na “The Queen’s Gambit”. Talaga namang kuhang-kuha niya ang karakter na ito kung kaya naman maraming mga netizens ang nagkomento at pumuso sa kaniyang larawan.

ALEX at TONI GONZAGA (Princess Sarah at Miss Minchin)


Effortless naman ang paglalarawan ng mga netizens sa Halloween costume ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga. Nagbihis kasi bilang si Princess Sarah si Alex habang ang ate niyang si Toni Gonzaga naman ay si Miss Minchin. Hindi raw maipagkakailang bagay na bagay sa kanila ang kanilang karakter lalo na si Toni na nagbihis bilang si Miss Minchin.

MAXENE MAGALONA (Chun-Li ng Street Fighter)


Pinili naman ng 34 na taong gulang na si Maxene Magalona na maging si Chun-Li ng Street Fighter para sa kaniyang Halloween costume ngayong 2021.

TIM YAP (Player 001 ng Squid Game)


Kuhang-kuha naman ng host at eventologist na si Tim Yap ang ekspresyon at galaw ni Player 001 ng siakt na Korean movie series na Squid Game. Nilagyan niya rin ito ng caption na “Never too old for this game”.

VHONG NAVARRO (Swab Testing Kit)


Pinag-isipan namang mabuti ang Halloween costume na ito ni Mr. Swabe Vhong Navarro dahil siya ay nag-costume bilang si Mr. Swabtest! Hindi mapigilan ng kaniyang mga tagahanga na kagiliwan ang kaniyang napapanahong Halloween entry na talaga namang nakakatakot.

JANINE GUTIERREZ (Kim Kardashian)


Hindi rin naman nagpahuli ang aktres na si Janine Gutierrez dahil siya ay nagbihis naman bilang si Kim Kardashian. Siya ngayon ay nasa New York City para sulitin ang Halloween season. Talaga namang pinusuan ng maraming mga netizens ang napakaseksi niyang entry para sa Halloween 2021.

CASSY LEGASPI (Yoo Ji-woo ng “My Name”)


Marami din ang napa-wow sa entry na ito ni Cassy. Hindi napigilan ng kaniyang kakambal na si Mavy Legaspi na tanungin ito kung kailan niya ito nagawa dahil hindi niya yata nalaman na may pasabog pala ang kaniyang kakambal. Gayundin naman ay marami ang kinilig sa komento ni Darren Espanto na “Ganito po siya kapag wala siyang magawa”. Tila ba kilalang-kilala at kabisado nila ang isa’t-isa!

Tunay nga na nakakatuwa ring makakakita ng mga ganitong larawan ng mga paborito nating artista. Dahil sa mga ganitong okasyon ay nailalabas nila ang pagiging makulit at creative nila sa sarili nilang pamamaraan. Ikaw, ano ang Halloween entry mo ngayong 2021?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media