Connect with us

Showbiz

Enggrandeng “sunset wedding” nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, nagpamangha sa maraming mga netizens!

Published

on

Malaki ang pagpapahalaga ng maraming mga Pilipino patungkol sa pagpapakasal o pag-iisang dibdib. Marami sa atin ang talagang nangangarap na magkaroon ng isang maganda at magarbong kasal.

Para kasi sa paniniwala ng maraming mga Pilipino, isang beses lamang ito mangyayari sa buhay natin kung kaya naman nais talaga natin itong maging espesyal. Kamakailan lamang ay ginulat tayo ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna nang idaos nila ang kanilang kasal noong ika-11 ng Nobyembre 2021.

Ang kanilang “sunset wedding ceremony” ay ginanap sa Rancho Bernardo na isang luxury resort sa Bataan. Talaga namang marami ang nagulat nang mapanuod nila ang napakagandang wedding video ng celebrity couple.

Ang ina ni Ellen na si Meriam Go at kapatid nito ang naghatid sa kaniya sa altar habang naroon din naman ang mga magulang ni Derek na sina Remedios Paggao-Ramsay at Derek Arthur Ramsay Sr. na todo-suporta din. Maging ang mga anak nila na sina Austin (Panganay na anak ng aktor sa dating asawang si Mary Christine Jolly) at si Elias Modesto (Panganay ni Ellen sa dating nobyong si John Lloyd Cruz) ay naroroon din para sa pag-iisang dibdib ng kanilang mga magulang.


Hindi rin naman nawala ang mga sikat na personalidad sa showbiz tulad na lamang nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. gayundin ang sikat na singer na si Pops Fernandez. Marami din ang namangha sa napakagandang wedding gown ng aktres kung saan kitang-kita ang angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Maging ang nakakamanghang ilaw patungo sa kanilang wedding reception ay nagpamangha rin sa marami lalo na ang mga pagkain at inumin na inihanda para sa kanilang mga bisita. Mayroon ding inihanda na isang tent para sa mga bata kung saan dito sila naglalaro at nagtatampisaw sa maraming mga bola kasama ang kanilang mga bantay.

Tunay nga na naging napakaespesyal ng araw nilang ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media