Connect with us

Showbiz

Elias Modesto, napaka-cute at talaga namang gwapong-gwapo sa kasal ng kaniyang Mommy Ellen at Tito Derek!

Published

on

Kilala tayong mga Pilipino sa ibang bansa sa pagkakaroon natin ng “Closed-family ties”. Kung ang ibang mga anak kasi ay kailangan nang umalis sa poder ng kanilang mga magulang pagtungtong nila sa wastong edad, maraming mga Pilipino ang mas pinipili na lamang na manatili at makipisan sa kanilang mga magulang kahit pa nga sila ay mayroon nang sariling pamilya.

Bagamat mayroon tayong kaniya-kaniya nating dahilan at kalagayan kung kaya naman marahil ay hindi rin talaga maiiwasan ang ganitong “family set-up”, iba pa rin talaga kung ang isang anak ay nakabukod na mula sa kaniyang mga magulang lalo na kung ito ay nasa tamang edad na. Maliban pa rito ay marami na ring uri ng pamilya sa ating bansa, kung noon ay nasanay na tayo sa “nuclear” at “extended family”, ngayon ay unti-unti na ring natatanggap sa ating lipunan ang “reconstituted family”.

Ang unang halimbawa ay uri ng pamilya na mayroong dalawang “adult” o magulang at mayroong mga anak. Habang ang “extended family” naman ay binubuo ng mga lolo at lola, tito at tita, mga pinsan na nakatira nang magkakalapit lamang o sa iisang tahanan.

Ang “reconstituted family” naman ay kilala rin bilang “Step Family”. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat at talagang namangha sa napakagarbong kasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay! Ngunit hindi lamang ang bonggang kasalan nila ang nagpamangha sa publiko dahil marami din ang nakakita kung paano nila pahalagahan ang isa’t-isa lalong-lalo na ang kanilang mga anak sa mga dati nilang nakarelasyon.

Si Ellen ay mayroong anak na lalaki sa dating nobyo nitong si John Lloyd Cruz na pinangalanan nilang Elias Modesto habang si Derek naman ay mayroon dingbinatilyong anak sa dati niyang asawang si Mary Christine Jolly. Talaga namang napaka-cute at napakagwapo nilang dalawa sa kasal ng kanilang mga magulang.

Kapansin-pansin din ang pagiging bibo at “well-behave” ni Elias bilang ring bearer ng kaniyang Mommy Ellen at Tito Derek. Kasama din niya ang paboritong aso ng aktor upang saksihan ang espesyal na araw na ito.

Masayang masaya din si Elias sa paglalaro kasama ang ilang mga bata sa isang tent na inihanda para sa event na ito na punong-puno ng mga bola.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.