Connect with us

Showbiz

Edu Manzano, inamin na sa madla ang relasyon nila ng aktres na si Cherry Pie Picache!

Published

on

Marami na tayong nababalitaan na mga hiwalayan sa showbiz nitong mga nagdaang buwan at talaga namang ikinagulat at ikinalungkot ito ng marami sa atin. Marami kasi sa mga naghihiwalay na ito ay minsan nating inidolo at hinangaan dahil sa pagiging matatag ng kanilang mga relasyon.

Ngunit para na rin sa ikabubuti ng magkabilang-panig ay nagdesisyon na silang tapusin ang lahat at maging civil na lamang at co-parent para sa kanilang mga anak kung mayroon man. Sa kanila ng mga hiwalayan na ito ay mayroon din namang mga sumisibol na pagtitinginan tulad na lamang halimbawa ng relasyon nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Nitong mga n agdaang linggo ay naging mainit na usapan sa social media ang kanilang mga larawan kasama ang ilan nilang mga kaibigan. Pumukaw kasi sa atensyon ng publiko ang “sweet photos” nilangdalawa habang namamasyal sila sa New York.

Nasaksihan din naman nina Arci Muñoz at Yam Concepcion ang pagiging sweet at close ng dalawa. Magkakatrabaho kasi sila sa teleseryeng pinamagatang “Marry Me, Marry You”.

Noong una ay tahimik lamang sina Edu at Cherry Pie na kapwa batikan na sa industriyang ito. Ngunit nito lamang ika-19 nang Nobyembre nang kumpirmahin mismo ni Edu na sila nga ay magkarelasyon na ni Cherry Pie sa News5 anchor na si Cheryl Cosim.

Marami ang nagulat ngunit mas marami din naman angkinilig dahil sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan at sa kanilangedad ay natagpuan pa rin nila ang isa’t-isa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na si Edu Manzano ay nagkaroon na rin ng ilang mga karelasyon noon tulad na lamang nina Vilma Santos, Maricel Soriano, Rina Samson, Pinky Webb, at ang kaniyang non-showbiz girlfriend na si Irene Garcia.

Mayroon siyang tatlong mga anak sina Luis Manzano, Addie at Enzo. Habang si Chery Pie naman ay nagkaroong ng longtime boyfriend na si Gary Tria kung saan nabiyayaan din siya ng isang anak, si Nio.

Taong 2006 nang silang dalawa ay maghiwalay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media