Connect with us

Viral

Dalawang ahas, bumulaga sa isang netizen na umorder sa 11.11 sale!

Published

on

Kung mayroon mang naging magandang dulot ang pandemyang ito na ating nararanasan ngayon. Ito ay ang pagsusulputan ng maraming mga oportunidad hindi lamang sa mga Pilipinong manggagawa kundi maging sa mga negosyanteng naghahanap ng mga negosyong papatok sa panahong ito.

Hindi lamang mga online delivery services ang pumatok kundi maging ang mga online shopping sites na palaging bumubudol sa marami sa atin. Buwan-buwan ay mayroon silang mga panghatak sa kanilang mga parokyano.

Tulad na lamang nitong ika-11 ng Nobyembre 2021 kung saan maraming mga freebies at mga free shipping vouchers. Hindi rin naman nagpaawat ang maraming mga Pilipino at talagang pinaglaanan ang nakaraang 11.11 sale.

Isa na marahil ang netizen na si Are Jhae Libunao sa mga nagnais makatipid sa nakaraang nationwide sale. Umorder daw ang kaniyang kapatid ng isang folding bed sa Lazada na talaga namang pinakaabangan nila kung kailan maidedeliver.


Ngunit habang ginugupit nila ang bubble wrap nito ay bumuluga sa kanila ang isang munting ahas na agad namang nahuli ng mga tao roon. Hindi na nila ito hinayaang makawala at mabuhay pa.

Matapos nito ay kabilang dulo naman ang kanilang ginupit kung saan mayroon pang isang ahas na mas malaki naman kaysa sa naunang ahas na nahuli nila. Hindi na rin nakatakas pa ang ahas na ito dahil sa nahuli rin nila ito kaagad.

Natakot at talagaang gulat na gulat sila sa nangyari ngunit nanatili pa rin silang kampante lalo na at wala namang nasaktan o natuklaw ng ahas. Ibinahagi ni Libunao ang ilang mga kuhang larawan at video ng naturang mga ahas at sa kasalukuyan daw ay nakikipag-ugnayan na sa kanila ang kompanya patungkol sa nangyaring insidente.

“Lazada is actively working with the relevant parties including our customer to investigate the incident. We are relieved that they are safe, and our priority is that their physical and mental well-being is being looked after,” Caption ni Libunao sa kaniyang social media post.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media