Connect with us

Showbiz

“Clarissa” ng Pepito Manaloto noon isa nang hanap na dalaga makalipas ang ilang taon!

Published

on

Halos labing-isang taon din sinubaybayan ng maraming mga Pilipino ang Kapuso family oriented show na “Pepito Manaloto”. Sadyang makatotohanan at hango sa tunay na buhay ang mga nagiging eksena dito linggo linggo.

Ito ay kwento ng isang maswerteng si Pepito na nanalo ng lotto at nagbago ang buhay dahil dito. Asawa niya si Elsa na ginampanan naman ang aktres na si Manilyn Reynes habang ang mga anak naman nila ay sina Chito at Clarissa na ginampanan naman nina Jake Vargas at Angel Satsumi.

Dahil sa pandemya ay kinailangang magpalit ng ilang mga karakter ng programa para sa Season 2 ng Pepito Manaloto. Hindi na madalas makita ang ilang mga karakter doon dahil sa patungkol iyon sa kabataan nina Pepito at Elsa.

Lingid sa kaalaman ng marami ay una pala siyang nakilala taong 2009 nang siya ay mapabilang sa “I-Shine Talent Camp”. Dahil dito ay napabilang na siya sa cast ng “Pepito Manaloto”.


Lumipas pa ang maraming taon at mas lalong napalapit si Angel sa kaniyang mga katrabaho. Nagkakaroon siya ng instant Kuya kay Jake Vargas at pangalawang magulang kina Michael V. at Manilyn Reynes.

Ngunit dahil sa pandemya ay kinailangan muna niyang mamahinga sa showbiz dahil ipinagbawal ang mga minors ng mga panahong iyon bilang pag-iingat na rin sa nakakahawang sakit. Marami ngayon ang nagtatanong kung nasaan na nga kaya ang cute at bibo na anak nina Pepito na si Clarissa?

Ayon sa kaniyang mga posts online, si Angel ay unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa YouTube. Ang kaniyang YouTube channel ay “Sayaka Vlogs”.

Hulyo 2021 din nang magbahagi siya ng ilang mga larawan niya habang siya ay nasa Japan. Nagtungo siya roon upang masaksihan ang concert ng kaniyang idolo na BTS.

Isang army din pala si Angel. At ngayon nga na dalaga na siya at hindi na siya isang cute baby, mas marami ang nakapansin sa kaniyang naging “glow up transformation”.

Marami pa rin ang naghihintay sa kaniya na makagawa ng mas marami pang proyekto.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media