Connect with us

Showbiz

Andrea Del Rosario, ipinasilip ang kaniyang napakaganda at napakalawak na bahay-bakasyunan na mayroon ding napakagandang view ng dagat!

Published

on

Dahil sa pandemya na naranasan at patuloy pa rin nating nararanasan sa ngayon, maraming mga Pilipino ang talagang naging matalino pagdating sa paghahanap ng pagkakakitaan. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na talagang nahirapan ang maraming mga negosyante at mga manggagawa dahil na rin sa matinding pagkalugi.

Maging ang mga iniidolo nating artista ay nahirapan din ng husto nang mag-pandemya. Ngunit mayroong iilan na talagang sinamantala ang pagkakataon na ito upang mag-invest sa ilang mga negosyo at iba pang pagkakakitaan.

Tulad na lamang halimbawa ng aktres na si Andrea Del Rosario. Isa siya sa mga kilalang aktres, modelo, at sexy star ng kaniyang henerasyon. Talaga namang hanggang ngayon ay marami pa rin ang humahanga sa kaniya dahil nagawa niyang panatilihin ang kaniyang balingkinitang pangangatawan.


Nito lamang Agosto ay naitampok siya sa episode ng “Sarap Diba? Bahay Edition”. Kung saan ibinahagi niya ang pagiging abala niya sa “farming”. Ang kaniyang nobyo na si Anthony Garcia ang may-ari ng napakalawak na farm na nito na matatagpuan sa Calatagan, Batangas.

Ito ay mayroong sukat na 8 hektarya, mayroong bahay-bakasyunan, 7 pitong mga silid at swimming pool. Ibinahagi din ng aktres ang inaalagan niya roon na mahigit 300 manok na panabong at Boer goat na mula pa sa Estados Unidos.

Marami din ang nakapansin na gamay na gamay ng aktres ang kaniyang mga ginagawa sa kaniyang farm. Walang arte at walang pandidiri para sa aktres habang ipinapakita niya ang kaniyang mga alaga sa kaniyang virtual farm tour.

Dagdag pa ng aktres, kung ang karamihan daw sa mga artista ay bumibili ng mga mamahaling bag at sapatos, para sa kaniya ay mas gusto niyang mapunta ang kaniyang pera sa livestocks at iba pang mga hayop. Maliban sa pagfa-farming ay dito rin sila naglalaro ng polo ng kaniyang nobyo na isa rin sa kanilang mga bonding moments.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media