Connect with us

Showbiz

Aktor na si Paolo Contis, usap-usapan ngayon sa Twitter dahil sa isang sculpture na kamukhang-kamukha niya!

Published

on

Hindi lamang Korean dramas at movies ang kinahuhumalingan ngayon ng mga Pilipino. Marami din ang talagang naeengganyong magsuot ng mga South Korean-inspired fashion at sumubok ng mga Korean dishes at treats.

Sa ngayon ay mayroon na ring milyon-milyong mga tagahanga ang ilang mga South Korean boy band tulad na lamang halimbawa ng BTS sa iba’t-ibang panig ng mundo. Hindi naging hadlang ang pandemya upang hindi sila mahalin at suportahan ng publiko.

Kamakailan lamang ay maraming mga Pilipino ang nakapansin sa post ng isa sa mga miyembro ng BTS na si Jung Ho-seok o mas nakilala natin bilang si J-Hope. Siya ay 27 taong gulang na South Korean rapper, songwriter, dancer at record producer.

Isang sculpture ng lalaki ang nasa post na ito ni J-Hope, tila natutulog ito ng mahimbing habang nakasandal ang kaniyang ulo sa isang kulay puting pedestal. Naging kapansin-pansin sa maraming mga Pinoy na ang lalaking nasa post ni J-Hope ay malaki ang pagkakahawig sa aktor at komedyanteng si Paolo Contis.

Game na game namang nagbahagi ng isang larawan ang Bubble Gang actor kung saan tila ginagaya nito ang post ng naturang sculpture. Binansagan na nga itong “Paolo Contis Scuplture” ng mga netizens.

Ayon naman sa naging pahayag ng mismong sculptor na gumawa nito ay hindi raw talaga si Paolo ang kaniyang inspirasyon dahil ito ay self-portrait ni Ron Muek na lumilikha ng mga artworks na inilarawan nila bilang “Artworks that demonstrates the subtle play of realities that characterize his works.” Mula ito sa Museum of Fine Arts sa Houston Texas. “Mask II” ang pangalan ng sculpture na ito.

Maaalalang naging kontrobersiyal ang naging hiwalayan nina Paolo Contis at partner niyang si LJ Reyes kamakailan lamang. Makalipas ang halos anim na taong pagsasama nila ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon na talaga namang ikinagulat ng publiko.

Mayroon silang anak na babae na pinangalanan nilang Summer Ayanna Reyes Contis.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media