Connect with us

Viral

Shaina Magdayao at Piolo Pascual, namataang sweet na sweet sa kanilang bakasyon sa Bohol!

Published

on

Maaalalang naging kontrobersiyal sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual noong 2017 matapos kumalat ang usap-usapan na 5 taon na diumano silang “exclusively dating”. Ngunit agad naman itong pinabulaanan ng aktres at iginiit na sila ay magkaibigan lamang.

Sinabi din ng 31 taong gulang na aktres na madalas silang nagkikita at nagkakasama ng aktor. Ilang taon na ang lumipas mula nang maging kontrobersiyal ang relasyon nila sa isa’t-isa at kamakailan lamang ay muli na namang napabalita ang tila pagkakamabutihan ng dalawa.

Tunay nga kayang sila ay magkarelasyon na o di kaya naman ay sadyang malapit lang silang magkaibigan? Ayon sa ilang mga source, namataan sina Piolo at Shaina sa isang resort sa Bohol na nagbabakasyon kasama ang magkasintahang Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

Sa ilang mga kumakalat na mga larawan ay makikitang sweet na sweet si Piolo at Shaina. Nakayakap ng mahigpit ang 44 taong gulang na aktor kay Shaina habang nakatayo sa isang pool table.

Mayroon ding larawan ang dalawa na kuha sa isang yate kung saan nakahiga si Piolo sa kandungan ni Shaina at si Shaina naman sa kaniyang dibdib. Ilang mga larawan pa ang inuulan ng komento ngayon mula sa kanilang mga tagahanga dahil sa kapansin-pansin ang paghahawak-kamay at pagiging malapit ng dalawa na para talagang tunay na magkasintahan.


Ano nga kaya ang tunay na relasyon nilang dalawa? Hanggang sa ngayon ay tikom pa rin ang kanilang mga bibig sa tunay na estado ng kanilang puso ngunit marami naman sa kanilang mga tagahanga ang naghihintay na lamang sa kanilang aminin ang kanilang relasyon sa publiko.

Si Shaina Garcia Magdayao o mas nakilala natin bilang si Shain Magdayao ay isang aktres, dancer, singer at modelo. Marami na siyang pinagbidahang teleserye at pelikula dahil sa angkin niyang husay sa pag-arte.

Habang si Piolo Jose Nonato Pascual o Piolo Pascual ay isang aktor, singer, modelo, endorser, at producer.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media