Connect with us

Showbiz

Rufa Mae Quinto, ibinahagi ang napakasayang karanasan nila ng kaniyang anak at kaibigan habang nasa isang ferry sa America!

Published

on

Mahigit dalawang taon na rin nating nararanasan ang pandemyang patuloy pa ring namiminsala sa iba’t-ibang panig ng mundo ngayon. Sa kabila ng matinding paghihirap at pagsasakripisyo nating lahat ay hindi pa rin natin maitatanggi na naging matinding pagsubok sa atin ang mga nagdaang taon na ito.

Sa kabila ng mga karanasan nating ito ay marami pa rin ang nagpapasalamat dahil sa hindi nagkaroon ng karamdaman ang kanilang pamilya. Marami din sa atin ang mas nagkaroon ng panahon sa ating kalusugan at sa ating pamilya.

Isa na marahil sa mga sikat na personalidad ngayon na talagang tutok sa kaniyang pag-aalaga sa kaniyang pamilya si Rufa Mae Quinto. Siya ay isang sikat na aktres, komedyante, host, at singer.

Taong 2016 nang ikasal siya sa kaniyang nobyong si Trevor Magallanes na isang American national. Nabiyayaan sila ng isang anak noong Pebrero 2017 na pinangalanan nilang Athena.


Maaaring medyo na-late man ang kaniyang pag-aasawa at pagbuo ng kaniyang sariling pamilya dahil na rin sa pagsuporta niya sa kaniyang magulang at mga kapatid, sa ngayon ay talagang masayang masaya na siya dahil sa pamilyang mayroon siya. Nasa Amerika sila ngayon at talagang nag-eenjoy silang mag-bonding at mamasyal dito.

Ibinahagi din niya ang ilang mga naging karanasan nila nang makasakay silang muli ng ferry sa San Francisco. Kasama ng komedyante ang kaniyang anak at matalik niyang kaibigan.

Sa kaniyang IG post ay makikita ang magagandang larawan nila kung saan nilagyan din niya ng napaka-cute na caption na tila liliparin na raw ang kaniyang buhok at pilik-mata dahil sa lakas ng hangin. Hindi rin naman magkamayaw ang kaniyang mga tagahanga sa pagkokomento at pagla-like ng kaniyang mga posts.

Tunay nga na napakasarap makitang masaya ng mga taong iniidolo natin. Batid natin kung gaano siya nagsumikap sa buhay noon kung kaya naman “deserve” niya lahat ng kaniyang tinatamasang kaligayahan sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media