Connect with us

Showbiz

Naaalala n’yo pa ba si King Gutierrez na isang kilalang kontrabida noon? Ito na pala ang buhay niya ngayon!

Published

on

Kung hindi dahil sa mga magagaling na kontrabida sa telebisyon at pelikula, hindi magiging epektibo at matagumpay ang karakter ng mga bida sa isang proyekto. Kung kaya naman talagang ganoon na lamang ang paghanga natin sa mga sikat na kontrabida noon at ngayon.

Hindi madali ang pagiging isang kontrabida dahil talagang sobrang maiinis at magagalit sa iyo ang mga tao kung nagawa mo nang mabuti ang pagganap sa iyong karakter. Isa na marahil si King Gutierrez sa pinakaepektibong kontrabida noong kaniyang kasikatan.

Madalas siyang kontrabida sa mga proyekto ni Da King FPJ. Ilan sa mga ito ay ang “Sierra Madre”, “Roman Rapido”, “Isang Bala Ka Lang”, “Ang Padrino”, “Kapag Buhay Ang Inutang”, “Umpisahan Mo… Tatapusin Ko”, “Sigaw ng Katarungan”, “Partida”, at “Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite”. Ngunit makalipas ang maraming taon ay tumumal na at tuluyan nang humina ng mga action films kung kaya naman sinubukan naman niyang pasukin ang mundo ng pulitika.

Lingid sa kaalaman ng marami na noong taong 1999 ay nagsilbi siya bilang Master Sergeant sa Philippine Army Reserve Command. Sa ngayon ay isa na siyang konsehal sa Bacoor City, Cavite.

“In 1990, he joined the Philippine Army Reserve Command as Master Sergeant and became active in government service. He worked at the Senate of the Philippines particularly under the Department of Political Affairs. He was designated to become the Deputy Agent of the Video gram Regulatory Board on November 7, 2003.” Hango ito sa official website ng Bacoor City.

Taong 2015 lamang ng siya ay parangalan bilang pinakamahusay na konsehal sa Calabarzon. Dahil sa kaniyang mahusay na paglilingkod sa kaniyang nasasakupan ay muli siyang nahalal noong Mayo 2016 bilang isang konsehal.

Tunay nga na napakarami pa rin ang humahanga sa kaniya dahil sa pagiging mahusay niyang aktor at pulitiko. Lumipas man ang panahon ay hindi maglalaho ang napakaraming magagandang pelikula na kaniyang kinabilangan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media