Connect with us

Showbiz

Kylie Padilla sinagot na ang mga balitang nag-uugnay sa dati niyang asawa na si Aljur Abrenica at aktres na si AJ Raval!

Published

on

Sa isang relasyon, madalas ay hindi talaga natin maiiwasan ang pagkakaroon ng alitan, tampuhan o pag-aaway. Madalas ay nagagawan naman ito ng paraan, nakukuha sa maayos na usapan, ngunit minsan ay talagang nauuwi na sa hiwalayan.

Nakakalungkot man ngunit marami sa ating mga Pilipino ang nakaranas na nito. Gustuhin man nating ipagpatuloy pa ang isang relasyon ngunit talagang hindi na kaya pa ng ating puso at isipan.

Kamakailan lamang ay naging mainit na isyu ang hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Maaalalang naging magkarelasyon na sila noon ngunit naghiwalay din sila at nang muling magkabalikan ay doon na nila binigyan pa ng isang pagkakataon ang kanilang pag-iibigan.

Nabiyayaan din sila ng dalawang mga anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Maraming mga lumabas na isyu na diumano ay mayroon daw third party sa hiwalayan nilang ito.

Wala namang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig. Nang maisapubliko naman ang proyekto ni Aljur Abrenica na “Nerissa” ay na-link din sa kaniya ang kaniyang leading lady na si Cindy Miranda na agad namang itinanggi ng huli.

Kamakailan lamang ay muli na namang umugong ang isyung ito kung saan si AJ Raval naman ang nalilink sa aktor. Ayon sa ilang mga ulat, ang 26-anyos na aktres daw ang dahilan sa hiwalang Aljur at Kylie.

Hindi naman ito pinalampas ni Kylie at sinabing wala na raw isyu pa dito. Buwan ng Abril pa daw ng maghiwalay silang mag-asawa at pumayag sila na makipag-date ang isa’t-isa sa iba.

Nakiusap din naman ang aktres na huwag nang mandamay pa ng ibang tao sa isyung ito. Hindi na rin daw niya nais pang maglabas ng kahit anong pahayag tungkol dito dahil gusto niyang sulitin ang natitira pang privacy na mayroon siya ngayon.

Tunay nga na hindi madali ang pinagdaraanan na ito ni Kylie dahil sa mayroon din silang dalawang anak ni Aljur. Ngunit marami din naman ang humahanga sa pagiging matatag niya at pagiging positibo para na rin sa kapakanan ng kaniyang mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media