Connect with us

Viral

Isang nanay na OFW, labis na nagulat nang madatnan na tapos na ang kanilang bahay dahil ang asawa’t anak ay iniipon pala ang kaniyang mga padala!

Published

on

Maraming mga OFW (Overseas Filipino Worker) ngayon ang ayaw talagang umalis ng bansa dahil mas nais nilang makapiling ang kanilang pamilya kaysa ang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa. Ngunit kadalasan ay wala rin naman silang magawa kundi ang makipagsapalaran na lamang ay tibayan ang kanilang kalooban upang matupad ang pangarap nila para sa kanilang pamilya.

Isa na sa mga pamilyang ito ang pamilya ng OFW mula sa Kuwait na si Rodelyn Fortes. Sila ay mula sa La Union at ninais niya talagang maging maayos ang buhay ng kaniyang mga anak at ng kaniyang asawa.

Ang kaniyang mister na si Rogelio Fortes ang siyang naiwan dito sa Pilipinas upang subaybayan ang kanilang mga anak. Maliit man ang kinikita ni Rodelyn ay walang palya niya itong ipinapadala sa kaniyang mag-ama.

Lingid naman sa kaniyang kaalaman ay sinisinop at iniipon pala itong lahat ng kaniyang mister. Bawat padala niya ay sinisigurado ng kaniyang asawa na maitatabi niya ito at madadagdagan pa.

Makalipas pa ang ilang taon ay umuwi na ng Pilipinas si Rodelyn. Nagulat na lamang siya ng umuwi siya sa kanilang bahay na naipagawa na pala ng kaniyang mister, sementado na at talagang malaki ang pinagbago kumpara sa dati.

Hindi rin siya makapaniwalang nakapag-ipon ang kaniyang asawa ng Php300,000 mula sa kaniyang padala.

“Hindi ko alam at nung dumating na po ako dito, buo na ang bahay sementado na. Tsaka di ko lubos maisip na ganun yung maiipon nila kasi magkanoo lang naman yung sahod ko doon sa Kuwait at Malaysia.” Pahayag ni Rodelyn.

Maliban pa nga rito ay nakapagpundar na rin ito ng traysikel at side car! Talaga namang labis labis ang pasasalamat ni Rodelyn sa kaniyang asawa at mga anak.

Sa murang edad naman ay namulat ang kanilang dalawang anak na magtipid at bilhin lamang ang mga pangunahing pangangailangan nila.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media