Connect with us

Viral

Isang delivery rider, hindi naging hadlang ang kapansanan at edad upang magpatuloy sa trabaho!

Published

on

Ang panahon ng pandemyang ito ay maraming naidulot sa ating mga Pilipino. Marami man tayong naranasan na pagsubok at paghihirap nang mga nagdaang buwan ay nananatili pa rin tayong matatag at positibo sa buhay.

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang namangha sa isang delivery rider na ito na hindi alintana ang panahon, ang kaniyang kalagayan at ang kaniyang edad makapagpatuloy lamang sa kaniyang trabaho. Ang netizen na si Avril mismo ang siyang kumuha ng larawan ng matandang lalaki.

Ayon sa kaniyang naging pahayag, noong araw na iyon ay nagpadeliver siya ng dimsum sa isang Lalamove rider. Hindi niya inaasahan na isang matandang lalaki pala ang magdedeliver sa kaniya at nagulat din siyang makita na putol ang binti nito at nakasuot ng prosthetic ang kaniyang mga binti.

Napansin na daw ni Avril na hirap maglakad ang matanda ngunit hindi niya lubos akalain na PWD ito. Sa kabila ng kaniyang kalagayan ay nagsusumikap pa rin siya sa kaniyang trabaho araw-araw.

Dahil dito ay napagpasyahan na nga ni Avril na ibahagi ang ilang mga larawan ng matanda upang makapagbigay inspirasyon din sa maraming mga Pilipino na may kinakaharap na mga suliranin at mga pagsubok sa buhay.

“Kung mapapansin niyo po bakal ang kanang side ng paa ni Tatay. Kaya hirap siya tumayo at kahit mabigat po pinadeliver ko na dimsum di po siya nag-cancel. Di ko din po kasi expected na ganun po kalagayan ni Tatay. Basta Tatay salute ako sa’yo.” Pahayag ni Avril.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:

“Yan ang mabuting Tatay, madiskarte, masipag, matiisin. Saludo ako sa inyo Tatay, magandang halimbawa ka sa iba.”

“Nakakabilib ka Tatay, meron po d’yan malalakas pa at walang kapansanan pero di marunong magbanat ng buto puro asa lang. Salute, Tatay!”

“Yan ang dapat hangaan na di hadlang ang kakulangan para magtrabaho ng matuwid, samantalang yung iba walang kakulangan pero nagtatrabaho ng di matuwid.”

“Ang mga PWD hindi hadlang sa society bagkus nakakatulong pa! Mabuhay ang mga nagsususmikap na PWDs!”


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media