Connect with us

Viral

Isang batang nakikinuod lamang ng telebisyon sa labas ng isang tindahan, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Mula nang magkaroon ng pandemya sa buong mundo, talagang marami sa atin ang labis na nahirapan. Hindi lamang mga magulang, mga negosyante, at mga empleyado ang talagang naapektuhan kundi lalo na ang mga kabataan.

Sa Pilipinas kasi ay talagang hindi pinapayagang pumunta ang mga bata sa mga pampublikong lugar, sa paaralan, parke, at sa marami pang mga establisyemento. Dahil dito ay kaniya-kaniyang diskarte ang mga magulang kung paano malilibang ang kanilang mga anak sa loob lamang ng kanilang mga tahanan.

Nariyan na ang pagpapagamit sa kanila ng mga gadgets, pagtuturo ng ilang mga leksyon sa paaralan, pakikipaglaro, panunuod sa telebisyon at marami pang iba. Noon pa man ay hilig na ng marami sa atin ang panunuod ng TV.

Nabawasan na lamang ang mga kabataang gumagawa nito dahil sa laganap na ang internet at paggamit ng mga bagong gadgets. Ngunit kung akala natin ay mahirap na ang kalagayan ng mga kabataang hindi makalabas ng kanilang mga bahay, mayroon pa palang mas mahirap na sitwayson kung saan gustuhin man nilang manuod ng paborito nilang palabas ay hindi nila magawa dahil sa wala silang telebisyon sa kanilang bahay.

Ito marahil ang kalagayan ng batang nakuhanan ng larawan ni Angel Foncesca sa Las Choapas, Mexico. Nakita niya ang isang batang nakadamit ng kulay berde na tila wala ring pangyapak na nakatayo lamang at nakatanaw sa telebisyon ng isang tindahan.

Marahil ay paborito niyang cartoons ang ipinapalabas dito kung kaya naman kahit matagal siyang nakatayo sa gilid ay ayos lang. Kahit malayo ang TV at medyo hindi niya gaanong maaninag ang kaniyang pinapanuod ay ayos lang sa kaniya dahil kahit papaano ay nakakapanuod pa rin naman siya.

Bilang isang magulang ay napakahirap makita ang ganitong sitwasyon. Gusto man nating bigyan ng kanilang mga gusto at pangangailang ang ating mga anak, marahil ay talagang hindi natin kaya dahil sa labis na kahirapan, wala tayong magagawa kundi magtiis na lamang at sikaping maging positibo sa buhay.

Baka sakaling dumating ang araw na makaahon din tayo sa hirap at maibigay din natin ang lahat ng gusto ng ating pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media