Connect with us

Viral

Isang asin vendor noon, isa nang milyonaryo ngayon matapos siyang pamanahan ng kaniyang amo na Portuguese!

Published

on

Mahirap ang buhay at talagang napakaraming mga pagsubok ang ating pinagdaraanan sa araw-araw. Ngunit hindi naman ito dahilan upang sumuko tayo sa buhay.

Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging matatag at positibo. Kahit na mabigat na ang ating dinadala at problema sa araw-araw ay nagagawa pa rin nating ngumiti at maging masaya.

Hindi bago sa atin ang kwento ng OFW na si Daisy Bucad-Eng dahil sa maaga siyang nagkaanak at nagkapamilya kung kaya naman talagang sinikap niyang magtrabaho ng husto para sa kaniyang pamilya. Naging tindera siya ng asin sa Besao, Mountain Province bago pa man siya makipagsapalaran sa ibang bansa.


Nang mga panahong iyon ay nasa Php200-300 lamang ang kaniyang kinikita sa pagtitinda ng asin. Nang magdesisyon siyang mangibang-bansa ay napunta siya sa isang amo na halos dalawa hanggang tatlong oras lamang siya pinapayagang mamahinga.

Buti na lamang at hindi nagtagal ay napunta siya sa kaniyang amo na si Marie Augusta Ramchand. Mabait ang kaniyang amo na isang Portuguese na naninirahan sa Hong Kong.

Ayaw niyang mapunta sa home for the aged kung kaya naman sumama rin siya kay Daisy nang umuwi ito sa Pilipinas. Dito ay nanirahan din siya kasama ng Pinay. Itinuring nilang pamilya ang isa’t-isa.

Inaruga ni Daisy ang kaniyang amo sa abot ng kaniyang makakaya hanggang taong 2002 ay pumanaw na si Marie. Isang malungkot na pangyayari ito para kay Daisy dahil hindi na rin naman niya itinuring na iba ang kaniyang amo ngunit marahil ay ito na rin ang kanilang tadhana.

Lumipas pa ang ilang mga araw at buwan ay nagulat na lamang si Daisy nang malaman na pinamanahan pala siya ng kaniyang amo nang mahigit sa Php25 milyong piso. Ito ay binubuo ng isang apartment at ilang mga stocks sa kompanya.

Talaga namang nabago ang buhay ni Daisy at ng kaniyang pamilya dahil sa pamanang ito ni Marie sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media