Connect with us

Viral

Isang anak, matiyagang hinanap ang kaniyang ama na halos 26 na taon din niyang hindi nakita!

Published

on

Napakasarap magkaroon ng isang masaya at kumpletong pamilya hindi ba? Iba pa rin talaga sa pakiramdam kung lumaki ka mismo sa piling ng iyong mga magulang.

Tila ba mas makakaramdam ka na kumpleto ka bilang isang indibidwal dahil sa naranasan mo ang maraming mga bagay kasama ang iyong mga magulang. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi naman din lahat tayo ay lumaki nang kumpleto ang pamilya, at nagkaroon ng isip sa poder ng ating mga magulang.

Marami din sa atin ang nauulila ng maaga o di kaya naman ay inabandona mismo ng ating mga magulang. Para naman sa netizen na si Jane Evony, kahit pa nga tatlong dekada na siyang nangungulila sa kaniyang ama ay hindi talaga ito tumigil na hanapin siya kahit pangalan lamang nito ang kaniyang alam.

Marami mang nagsasabi sa kaniya na maaaring matagal nang pumanaw ang kaniyang ama dahil sa halos 26 na taong hindi niya ito nakita. Ngunit kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao tungkol dito ay nananatili pa rin siyang positibo na balang araw ay makikilala niya rin ang kaniyang ama.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na kaniyang dinarasal. Sa video na ibinahagi ni Jane sa social media ay makikita ang unang beses na pagkikita nilang mag-ama.

Hindi napigilan ni Jane na maging emosyonal nang sa wakas ay makita niya ang kaniyang ama. Umantig ito sa puso ng marami pang mga netizens dahil sa wakas ay nagkakilala at nagkita ring muli ang mag-ama.

Hindi man daw nila madalas pag-usapan ng kaniyang ina ang tungkol sa kaniyang ama ay nagagalak pa rin ang ina ni Jane sa nangyari. Tunay nga na kahit gaano ka-imposible ang isang bagay, walang makapipigil sa iyo kung talagang buo at matatag ang iyong kalooban.

Sabihin man ng marami na hindi kayang tiisin ng magulang ang kaniyang anak, marami din namang mga anak ang hindi kayang tiisin ang kanilang mga magulang.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media