Connect with us

Viral

Isang alagang pusa na tatlong araw nang nawawala, bumalik sa kaniyang amo na mayroon nang utang?!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang talagang “animal lover”. “Cat person”, “dog person” at napakarami pang mga alagang hayop ang madalas nating masilayan sa mga bahay ng mga taong nag-aalaga ng hayop.

Ang mga hayop na ito ang nagdaragdag ng buhay at kaligayahan sa isang sambahayan. Kahit pa nga marami sa atin ay sobrang abala na sa maraming mga bagay, talagang sinisikap pa rin nating maglaan ng oras, panahon at atensyon para sa kanila.

Hindi madali ang mag-alaga ng ganitong klase ng mga pets ngunit talagang sinisikap nating maibigay ang lahat ng kanilang mga pangangailangan. Marami ang naagsasabi na magastos din talagang mag-alaga ng hayop at tila nag-aalaga ka din ng sarili mong mga anak.

Ngunit kakaiba at espesyal talaga ang sayang naidudulot nila sa kanilang mga amo. Tunay nga na hindi natin hawak ang lahat ng sandali dito sa mundo.

Maaaring ngayon ay kasama natin ang ating mga pets ngunit darating ang panahon na sila ay aalis nang hindi natin inaasahan o minsan pa nga ay tuluyan nang lilisan sa ating buhay. Nakakalungkot man ngunit nangyayari talaga ang mga ito.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa isang pusang ito na mula pa sa Thailand. Hindi makapaniwala ang kaniyang amo na makakauwi pa palang muli ang kaniyang alaga, tatlong araw matapos itong mawala.

Nang makabalik ito sa kaniyang amo ay mayroon nang mensaheng nakalagay sa bandang leeg ng pusa. Ayon sa naturang mensahe na “Your cat kept looking at the mackerels at my store so I gave it 3 Auntie may at Alley N. 2.”

Hindi daw akalain ng amo ng pusa na muli niyang makakapiling ang pinakakamahal niyang alaga. Laking pasasalamat niya dahil mayroong nagmagandang-loob na pakainin ang kaniyang alaga.

Ngunit sa ngayon ay hindi alam ng amo kung sino ang mabuting taong ito at kung paano niya mababayaran ang utang ng kaniyang pusa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media