Connect with us

Viral

Guinness World Records: Babaeng may pinakamalaking bibig sa buong mundo!

Published

on

Bawat isa sa atin ay mayroong kaniya-kaniyang katangian at personalidad. Marahil ay ito na rin ang dahilan kung bakit tayo ay nagiging espesyal sa sarili nating pamamaraan.

Kamakailan lamang ay marami ang nakapansin kay Samantha Ramsdell sa TikTok. Hindi lamang kasi siya magaling sa pagpapatawa at sa pagtugtog ng piano kundi mayroon din siyang kakaibang katangian.

Kinilala siya ng Guinness World Records bilang babaeng may pinamalaking bibig sa buong mundo o “The world’s largest mouth gape for a women”. Siya ay 31 taong gulang at kasalukuyang naninirahan asa Connecticut.

Bilang isang TikTok star ay mayroon na siyang higit sa 1.7 milyong followers. Ang kaniyang bibig ay mayroong sukat na 6.56 centimeters o halos dalawa’t-kalahating pulgada.

Kasyang-kasya sa kaniyang bibig ang isang regular na mansanas. Musmos pa lamang siya ay marami na ang nakakapansin sa kakaibang laki ng kaniyang bibig.


Likas na sa mga kabataan ang magtuksuhan ngunit talagang naapektuhan pa rin siya ng mga nanunukso sa kaniya. Ang madalas na tawag sa kaniya ay “big bass mouth”.

“Something that really I was insecure about, something that I wanted to keep so small, but it’s now one of the biggest, best things about me,” Komento ni Samantha sa isa sa kaniyang mga naging interview.

Ibinahagi din niyang noon ay ayaw niya talaga ang malaki niyang bibig dahil na rin sa kaniyang naging karanasan dahil dito. Ngunit kalaunan ay minahal na rin ang katangian niyang ito.
Nagsilbi itong inspirasyon para sa kaniya at natatanging biyaya mula sa Diyos.

“If I had advice for anyone who had a large body part, or something really unique, and they wanted to go for the Guinness World Records title, I would say do it! Do it proud and make it your biggest asset. It’s your superpower, it is the thing that makes you special and different from everyone else walking around.” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media