Connect with us

Showbiz

Gerald Anderson at Gigi De Lana, magtatambal sa isang proyekto. Gerald: “Ako ang magiging coach mo.”

Published

on

Si Gigi De Lana o nakilala na natin noon bilang si Gidget Dela Llana ay 26 na taong gulang na aktres, singer-songwriter, dancer, at commercial model. Una na natin siyang hinangaan bilang isa sa mga kalahok ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime”.

Sa ngayon ay mas dumarami pa ang kaniyang mga tagasuporta at tagahanga bilang isang YouTube star. Madalas kasi siyang napapanuod na kumakanta online at talaga namang marami ang bumibilib sa kaniyang pambihirang talento.

Marami ang nagsasabing kakaiba ang kaniyang talento sa pag-awit at tila ba inaangkin niya ang bawat awitin na kaniyang kinakanta. Kamakailan lamang ay mas nasabik pa ang kaniyang mga tagahanga dahil sa pagkakaroon niya ng bagong proyekto kung saan makikita naman natin ang kaniyang talento sa pag-arte.

Magiging katambal niya si Gerald Anderson sa seryeng “Hello, Heart”. Ilang araw din silang magkasama sa naturang taping at nang makapanayam silang dalawa ay ibinunyag ni Gigi na hindi nito napigilang ma-starstruck sa aktor.

Ito raw kasi ang unang proyekto niya at talaga namang kinakabahan siya ng husto.

“Kinabahan ako. Pa’no kaya to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na.” Pahayag ni Gigi.

Mayroon namang payo si Gerald sa kaniya, na dapat daw ay maging malakas at matatag ang kaniyang pisikal na pangangatawan at emosyon. Ang aktor din daw ang magiging coach niya para dito.

“So, stamina physically and emotionally. Ako ang coach mo,”komento ni Gerald.

“Naiintindihan ko naman siya. Kasi ‘yong momentum talagang ‘pag relax ka na. Sa iba ‘yung workout parang trabaho rin ‘yon e. Pero sa awa ng Diyos, para sakin lifestyle. But it’s hard. Sana makapag-inspire pa ko ng ibang tao mag-workout,” dagdag pa ng aktor.

Talaga namang pinakaaabangan na ng publiko na maipalabas ang proyekto nilang ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media