Connect with us

Viral

Dakilang ama ang turing ng publiko sa isang Food Panda rider na ito na dala dala ang kaniyang sanggol na anak sa trabaho, kumita lamang ng kaunti para sa kanilang pamilya!

Published

on

Sa panahon ng pandemyang ito, maraming mga negosyo ang kinailangang magsara at marami ding mga manggagawa ang nawalan ng trabaho. Nakakalungkot mang isipin ngunit hanggang ngayon ay mayroon pa ring iilan na pilit na bumabangon sa kabila ng napakahirap na sitwasyong ito.

Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng publiko ang larawan na ito ng isang Food panda rider na nakilala bilang si Hershey Manuel na mula sa San Pedro, Laguna. Ang mga larawan niya kasama ang kaniyang sanggol na anak habang nagtatrabaho ay kuha ng Yuzu Katsu & Ramen Jeremiel Flores Quinto.

Kapansin-pansin sa mga larawan na medyo madilim na ngunit pinipilit pa ring padedehin ng ama ang kaniyang munting anak habang ito ay nakasakay sa kaniyang bisikleta. Nagtatrabaho bilang isang delivery rider si Hershey gamit lamang ang kaniyang bike.


Nang tanungin siya kung nasaan ang nanay ng bata ay sinabi niyang nagtatrabaho din ang kaniyang asawa at nakikitira lamang sila sa kaniyang tito kung kaya naman wala rin siyang ibang pagpipilian kundi isama na lamang ang kaniyang anak. Marami ang natuwa sa kaniya dahil sa kabila ng mahirap na sitwasyong kinalalagyan niya ngayon ay nagpapakita rin naman siya ng katatagan at pagiging madiskarte sa buhay.

Ngunit hindi rin naman mawawala ang pag-aalala ng iilan dahil sa gitna ng pandemya ngayon ay maaari pa ring magkaroon ng sakit ang sanggol o di kaya naman ay mapahamak ito habang kasama ng kaniyang ama sa pagbiyahe. Hindi rin nakaligtas sa mata ng publiko na marahil ay batang ama ang rider na ito kung kaya naman talagang pinipilit niyang itaguyod ang kaniyang pamilya sa abot ng kaniyang makakaya.

Sana nga lamang ay mayroon silang mga magulang o kamag-anak na maaaring pagbilinan ng sanggol habang nagtatrabaho silang mag-asawa. Hindi lamang upang mailigtas ang sanggol sa sakit at kapahamakan ngunit upang maging komportable din ito sa isang ligtas na lugar.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.