Connect with us

Showbiz

Andrea Torres, nasa Argentina na upang gampanan ang kaniyang lead role sa Argentinian romantic film na “Pasional”

Published

on

Si Andrea Elizabeth Eugenio Torres o mas nakilala natin bilang si Andrea Torres ay 31 taong gulang na aktres, host, dancer, at modelo. Kung noon ay napapanuod lamang natin siya bilang isang mahusay na host sa ilang teen-oriented shows, ngayon ay talaga namang marami na ang humahanga sa kaniyang kahusayan sa pag-arte, pelikula man o sa telebisyon.

Hindi lamang siya isang mahusay na artista dahil marami din ang bilib sa angkin niyang kagandahan at magandang pangangatawan. Bagamat, hindi naging maganda ang karanasan niya noon sa kaniyang nakarelasyong aktor na ngayon ay engaged na, nagawa pa rin niyang patawarin ito at magpatuloy sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.

At marahil ay dininig na nga ng langit ang kaniyang panalangin. Isang napakagandang biyaya kasi ang natanggap niya nang masungkit niya ang lead role sa Argentinian romantic film na “Pasional”.
Bibida siya rito ay makakapareha ang isang batikan na aktor na si Marcelo Melingo. Talaga namang masayang-masaya si Andrea sa kaniyang nalalapit na international film.

“I’m sure ma-e-enjoy ko po ang trabaho ko po with them kasi hindi pa man po ako nakakaalis talagang very warm na sila sa akin at inaasikaso nila akong mabuti,” Pahayag ni Andrea.

“Hindi ako makapaniwala! Napakalaking blessing na napakaganda ng taon na ito for me in terms of career. I’m very, very happy lang talaga,” dagdag pa ng aktres.

Nasasabik din daw siya sa proyekto niyang ito dahil kakaiba ang pagtatagpo ng dalawang karakter. Gayundin naman ang paraan kung paano sila magkakapalagayan ng loob at kung paano matatapos ang kanilang istorya.

Hindi pa raw niya nagagawa ang ganitong klase ng pelikula. Tunay nga na marami talaga ang patuloy na sumusuporta kay Andrea dahil sa hindi lamang siya isang mahusay na aktres kundi mabuti rin siyang kaibigan at kapamilya.

Karapat-dapat lamang siyang tumanggap ng maraming mga pagpapala at biyaya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media