Connect with us

Showbiz

Andrea Torres, “blooming” at talaga namang “stunning” sa naganap na kasal ng kaniyang kapatid na si Angeli!

Published

on

Maraming mga selebrasyon at pagtitipon ang naantala dahil sa pandemya na halos mahigit dalawang taon na nating nilalabanan. Hindi pa man tuluyang nasusugpo ang malalang sakit na ito ay marami na rin naman sa atin ang nakatanggap ng bakuna.

Hindi na nakakatakot talaga tulad noon. Sa kabila ng mga kaganapang ito ay mayroon pa rin namang mga selebrasyon ang pinahintulutang maganap tulad na lamang ng ilang mga kasalan.

Basta’t bilang lamang ang mga taong magtitipon-tipon at hindi ito makakadagdag pa sa mga taong apektado ng pandemya. Isa na nga sa mga mapapalad na groom at bride ay ang kapatid at bayaw mismo ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Si Andrea Elizabeth Eugenio Torres ay 31 taong gulang na aktres, host, dancer, at modelo. Marami na siyang nagawang pelikula at teleserye kung saan talagang hinangaan siya ng marami hindi lamang sa angkin niyanga kagandahan at kaseksihan kundi dahil na rin sa pambihira niyang talento sa pag-arte

Sa ngayon ay napapanuod natin siya bilang si Diane San Luis sa “Legal Wives” ng GMA network kasama sina Alice Dixson, Bianca Umali, at Dennis Trillo. Kamakailan lamang ay napansin ng publiko kung gaano naging “supportive” na kapatid siya sa kaniyang kapatid na si Angeli Eloise.

Ikinasal na kasi siya sa kaniyang fiancé na si Rem Paulino. Naging napakaganda at napaka-espesyal ng araw na ito hindi lamang para kay Angeli at Rem kundi maging sa buong pamilya nila.

Talaga namang matagal nilang hinintay ang pagkakataon na ito at sa wakas ay nabasbasan na rin ang kanilang pagsasama. Samantala, hindi rin naman nakaligtas sa mata ng maraming mga netizens ang napakagandang mga larawan ng aktres na si Andrea.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na single siya ngayon at kagagaling lamang niya sa isang masalimuot na relasyon. Ngunit talagang “blooming” at “stunning” ang awra niya hindi lamang sa ilang mga kuhang larawan kundi sa kabuuan ng kasal ng kaniyang kapatid.

Mayroon na kayang bagong nagpapakilig at nagpapasaya sa aktres?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media