Connect with us

Showbiz

Andrea Brillantes, nilinaw at pinabulaanan ang ilang mga “assumptions” sa kaniya ng mga netizens!

Published

on

Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas nakilala natin bilang si Andrea Brillantes ay 18 taong gulang na aktres, modelo, endorser, at recording artist. Ilan sa mga pinakasikat niyang karakter ay ang naging pagganap niya bilang si “Annaliza” at si “Marga Bartolome” sa Kadenang Ginto.

Sa pinakabago niyang vlog ay sinagot niya at nilinaw ang ilan sa mga “assumptions” o palagay sa kaniya ng maraming mga netizens. Una na rito ang pagiging “mean sa school”, nilinaw niyang hindi siya tulad ng kaniyang karakter na si Marga dahil ang totoo ay siya pa mismo ang inaaway sa eskwela.

Mayroon pa nga daw siyang naging karanasan kung saan siya ay sinampal ng hindi na niya pinangalanang kaklase niya noon. Pinabulaanan din ng aktres na siya raw ay isang “retokada”.

Wala daw itong katotohanan dahil natural ang kaniyang hitsura at hindi pa raw siya nagpaparetoke kahit kailan. Sadyang nagkaroon lamang daw ng “bridge” ang kaniyang ilong noong siya ay gumagawa ng proyektong Kadenang Ginto.

Dito rin daw kasi siya nagsimulang magpapayat. Hindi rin daw totoo na siya ay “laking mayaman” dahil noong bata pa raw siya ay laman na siya ng kalye, naglalaro daw siya ng mga larong pambata noon at minsan naman ay umiiyak siya sa mga tindahan dahil sa ayaw siyang bilhan ng softdrinks ng kaniyang lola.

Mahirap din daw talaga ang buhay nila noon, naranasan daw nilang magbenta ang kanilang ina ng ilan sa kanilang mga gamit dahil wala silang makain. Wala din daw silang kama noon at madalas pa nga ay kinakagat ng daga ang mga paa ni Andrea.

Hindi rin daw totoong siya ay maldita, snobber, hindi namamansin ng mga fans, at mahirap lapitan. Takot lamang daw siyang makisalamuha sa ibang tao dahil natatakot siyang maranasan muli ang naranasan niya noong siya ay nag-aaral pa lamang.

Marami din daw siyang nabasted noon, hindi daw siya tumitingin sa mukha bagkus ay sa ugali ng isang tao kung kaya naman talagang mayroon daw siyang ilang nabasted noon. Nilinaw din niyang hindi siya maarte kundi “kikay” lamang.

Ang kaniyang tunay na “height” ay 4’11” lamang at hindi 5’5”.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media