Connect with us

Showbiz

Aljur Abrenica, nagbahagi ng ilang mga videos ng kaniyang anak na masayang sumama sa kaniyang training!

Published

on

Mainit na mainit ang isyu ngayon sa pagitan ng dating celebrity couple at dating mag-asawa na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ang ugat ugat na mga kontrobersiya ay nagsimula dahil diumano sa “third party” na dahilan ng kanilang paghihiwalayan.

Wala mang kumpirmasyon sa magkabilang panig ay talagang marami ang nag-aabang sa tunay na kwento ng kanilang naging paghihiwalayan. Samantala, nagpahayag naman ang aktres na si Kylie sa kilalang magazine show na “Kapuso Mo, Jessica Soho” na wala siyang nakarelasyon na kahit sino noong magkasama pa sila ng aktor.

Nilinaw din niyang hindi niya kayang makipagrelasyon noon o makipag-date dahil sa breastfed ang kanilang ikalawang anak na si Axl Romeo. Hindi rin naman nakaligtas sa mata ng publiko ang sweet videos at sweet pictures nina Aljur at AJ Raval (21 taong gulang na anak ng action star na si Jeric Raval at Alyssa Alvarez) habang sila ay namimili sa isang mall.

Ikinagalit ito ng maraming mga netizens ngunit sinabi naman ni Kylie na noon pa man ay mayroon na silang kasunduan na maaari silang makipag-date o makipagrelasyon sa kahit sinong gusto nila. Dahil sa mga larawan at video na kumalat online ay marami ang bumatikos kina Aljur at AJ.

Nagbitiw din ng maiinit na pahayag ang aktor na dapat daw sabihin ni Kylie ang katotohanan kung sino talaga ang unang nagloko sa kanilang dalawa. Matapos ang naging pahayag ng dating mag-asawa sa isa’t-isa ay napansin naman ng mga netizens ang mga videos na ibinahagi ni Aljur habang siya ay nagtetraining.

Kasama niya kasi ang kaniyang panganay na anak at talagang tuwang-tuwa itong makasama ang kaniyang ama. Mayroon ding ilang larawan at video si Axl Romeo kasama ang kaniyang ama at ang isang matandang babae habang nagbabakasyon.

Kapansin-pansin na komportable at masayang masaya ang mga bata sa piling ng kanilang ama. Ito rin naman ang nais ni Kylie dahil sa batid niya ang hirap ng mayroong hiwalay na mga magulang.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media