Connect with us

Showbiz

Aktres na si AJ Raval, umamin nang nililigawan siya ng aktor na si Aljur Abrenica!

Published

on

Hindi napigilan ng maraming mga netizens ang magtaas ng kilay nang mabalitaan ang ginawang pag-amin ng aktres na si AJ Raval patungkol sa tunay na relasyon nilang dalawa ng kaniyang co-star sa “Nerissa” na si Aljur Abrenica. Kinumpirma ng 21 taong gulang na aktres na nililigawan nga siya ni Aljur.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na ang aktor ay kasal sa aktres na si Kylie Padilla at mayroon silang dalawang mga anak, sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Ngunit makalipas lamang ang halos tatlong taon ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Sa ngayon ay nasa co-parenting status sila para sa kanilang mga anak. Dati nang na-link kay Aljur si Cindy Miranda na co-star din niya sa “Nerissa” ngunit pinabulaanan nito ang naturang isyu. Hanggang sa nakapanayam ng Pep si AJ noong Oktubre 5 at sa kanilang “On The Spot Challenge” ay isiniwalat na niyang nagkakakilanlan na sila ngayon ni Aljur.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Well, totoo naman na nag-uusap kami.” Ito ang matapang na sagot ng aktres nang tanungin siya ng deputy PEP Guide editor na si Jimpy Anarcon tungkol sa relasyon niya sa aktor.

Inamin din niyang nauunawaan nila ang isa’t-isa at nagmamalasakit sila sa isa’t-isa ngunit wala pa rin daw sila sa puntong magkarelasyon na sila. Matatandaang nadulas noon si AJ sa kaniyang vlog (Setyembre 13) habang kausap niya ang isa pang vlogger at aktres ding si Donnalyn Bartolome.

Ramdam na ramdam daw ni AJ kung gaano siya ka-espesyal sa nag-iisang tao na iyon. Ito pala ang kaniyang “secret suitor” na si Aljur. Pagbibigay linaw naman ng aktres, kakagaling pa raw niya sa dalawang taong relasyon kung kaya naman hindi pa siya handang makipagrelasyon muli.

Nagbigay din naman ng huling komento si Kylie patungkol sa isyung ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media