Connect with us

Showbiz

Aktor na si Jeric Raval, mas pipiliin daw na hindi magkaroon ng maraming anak kung maibabalik lamang niya ang panahon!

Published

on

Sa mundo ng showbiz, marahil ay madalas nating naririnig na talagang hindi biro ang makapasok noon sa industriya. Talagang maglalaan ka ng panahon, oras, at talento dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na mapatunayan ang kanilang sarili sa publiko.

Marahil isa na sa mga kilalang personalidad noon ay ang matinee idol at action star na si Jeric Raval. Talaga namang matipuno at magandang lalaki ito ng kaniyang kabataan at hanggang sa ngayon naman kung kaya naman hindi na nakapagtatakang maraming mga kababaihan ang humahanga sa kaniya.

Kamakailan lamang ay ikinagulat ng publiko ang balitang mayroon na pala siyang 18 mga anak sa kaniyang tunay na asawa at sa mga babaeng kaniyang nakarelasyon na. Ang 45 taong gulang na aktor ay mayroong legal na asawa, si Holiday Buensuceso.


Mayroon siyang apat na mga anak dito at 14 naman sa iba pang mga babae. Bagamat masakit ay minahal at tinanggap pa rin ni Holiday si Jeric. Aminado din naman ang aktor na nagkamali siya noon dahil sa kaniyang mga nagawa at talagang pinagsisihan na niya ito. Labis labis ang pasasalamat niya sa kaniyang asawa dahil sa muling pagtitiwala at pagtanggap niya dito.

Sa ngayon ay masaya na si Jeric at ang kaniyang pamilya. Kung sa kaniyang legal na asawa ay mayroon siyang apat na mga anak, nagkaroon din naman siya ng tatlong anak sa dati niyang nakarelasyon na si Monica Herrera.

Habang si AJ Raval naman na gumagawa ng kaniyang pangalan sa industriya ay anak niya kay Alyssa Alvarez. Nang makapanayam si Jeric patungkol sa kaniyang mga anak, inamin nitong mas pipiliin niyang hindi magkaroon ng maraming anak kung maibabalik lamang niya ang panahon dahil sa gustuhin man niyang ibigay ang lahat sa kanila ay hindi niya magawa.

Nang minsang humiling sa kaniya ang isa sa kaniyang mga anak ng bagong sasakyan ay hindi niya ito naibigay dahil sa wala siyang kakayahan na bumili ng bagong sasakyan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.