Connect with us

Showbiz

Regine Tolentino, masaya at kuntento sa piling ng kaniyang tatlong mga anak at partner na si Dondi Narciso!

Published

on

Si Regine Tolentino ay 41 taong gulang na host, aktres, dancer, fashion designer, social media influencer, modelo at businesswoman. Marami ang bilib at humahanga sa kaniya dahil sa napapanatili niya ang angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Sa paglipas ng panahon ay talagang halos wala din naman talaga siyang pinagbago. Hindi man naging matagumpay ang relasyon nila ng dati niyang asawa na si Lander Vera Perez ay laking pasasalamat pa rin niya dahil sa kaniyang dalawang mga anak na sina Azucena Reigne 21 taong gulang at si Alyssandra Reigen na ngayon ay 19 na taong gulang na.

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang ganitong mga paghihiwalayan ng mag-asawa. Marahil ay hindi na rin kasi maaari pang ibalik ang dating relasyon nila kung kaya naman mas makabubuti na rin na lumayo na sila sa isa’t-isa.


Sa ngayon ay nasa poder ni Regine ang kaniyang dalawang anak. Muli din siyang nabigyan ang pagkakataon na mabiyayaan ng isa pang anak sa partner niyang si Dondi Narciso.

Pinangalanan nilang Rosie Rignee ang kanilang cute na baby girl na isa ring pandemic baby. Taong 2020 kasi ng siya ay ipanganak.

Sa ngayon ay si Dondi na ang tumatayong ama sa kaniyang mga anak sa dati niyang asawa. Masaya at kuntento din naman sila ngayon lalo na at nakasuporta sila para sa isa’t-isa bilang isang pamilya.

Kapansin-pansin din sa mga posts ni Regine ang kaligayahan at kagalakan ng kaniyang buong pamilya. Tunay nga na kahit marami siyang pinagdaanang pagsubok ay nagawa pa rin niyang maging matatag at positibo para na rin sa kaniyang mga anak.

Marami mang mga hadlang sa ating mga pangarap ay sigurado namang gagabayan tayo ng Diyos upang makamit ang mga pangarap nating ito at para na rin magsilbing inspirasyon sa ating kapwa. Tulad na lamang ng naging mga pagsubok at buhay ngayon ni Regine Tolentino.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media