Connect with us

Showbiz

Polo Ravales isa nang ganap na ama matapos magsilang ng kaniyang fiancée na si Paulyn Quiza ng isang malusog na sanggol!

Published

on

Napakagandang biyaya mula sa Diyos ang pagkakaroon ng anak. Hindi lahat ng mag-asawa ay nabibiyaan ng anak kung kaya naman napakasarap sa pakiramdam magkaroon ng anak lalo na sa panahon ngayon.

Kahit pa nga mahirap ay talagang kakailanganin magsasakripisyo ka para sa iyong pamilya. Sa oras na magkaroon ka na ng anak ay mayroon nang buhay na dedepende sa iyo.

Mabigat na responsibilidad ito ngunit hindi ito alintana ng mga magulang dahil gusto din talaga ng marami sa atin ang magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya. Kamakailan lamang ay nagsilang na si Paulyn Quiza, fiancée ni Polo Ravales.

Isinilang na niya ang panganay nilang anak ng aktor at talaga namang wala silang mapagsidlan ng kaligayahan ngayon. Ganap nang ama si Polo at labis siyang nagpapasalamat sa bagong karanasan na ito.

Sa Instagram post ng aktor ay kapansin-pansin ang mga posts niya patungkol sa kaniyang pamilya. Ibinahagi niya rito na Setyembre 5, 2021 ay nagsilang na ng isang napakacute at napakalusog na baby boy ang kaniyang fiancée.

Pinangalanan nilang Yatrick Paul Quiza Gruenberg ang kanilang anak. Minsan na ring ibinahagi ni Polo ang nakakakilig nilang love story ni Paulyn.

Ayon kasi kay Polo, hindi niya talaga inaasahan ang pagdating ni Paulyn sa kaniyang buhay dahil noon ay talagang paggimik at barkada lamang ang pinagtutuunan niya ng pansin. Dumating ang panahon na naramdaman na lamang niya na para bang may kulang sa kaniyang buhay kung kaya naman naisipan niya ding na lumagay na sa tahimik ngunit ang problema ay single siya noon.

Nang sumunod na araw ay nakilala na niya ni Paulyn at naramdaman niyang tila matagal na silang magkakilala dahil sa sobrang gaan ng loob niya rito. Dito na nagsimula ang matamis nilang pagtitinginan.

At sa ngayon nga ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan. Mayroon na silang baby boy sa ngayon at tiyak na mas magiging matatag at matibay pa ang kanilang relasyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media