Connect with us

Showbiz

Nagbakasyon sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isla ng Siargao kasama si Elias Modesto

Published

on

Bago pa man kasi ang pangyayaring ito ay nasaksihan din ng marami kung gaano ka-sweet si Derek sa dati niyang nobya na si Andrea Torres. Hindi man naging malinaw ang dahilan ng hiwalayan nilang dalawa ay hindi pa rin lubos maisip ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta na ganoon kabilis magmamahal muli si Derek.

Wala namang isyu dito si Ellen. Sa katunayan ay nang sumunod na buwan, Marso 2021 ay walang pag-aalinlangan niyang tinanggap ang marriage proposal ng aktor. Maaalalang si John Lloyd Cruz ang nakarelasyon ni Ellen bago si Derek.

Nagkaroon din sila ng isang anak, si Elias Modesto, na ngayon ay 3 taong gulang na. Kamakailan lamang ay ipinasilip ng magkasintahang Derek at Ellen ang naging masayang bakasyon nila sa isla ng Siargao. Kasama din nila si Elias.

Makikita sa mga larawan kung gaano sila kasaya sa kanilang naging pahinga. Marami din naman ang nakapansin sa pagiging malapit nina Derek at Elias. Sweet at cute na cute ang mga stolen shots.
Gayundin naman ay marami ding nakapansin sa sweet photos ng magkasintahang Ellen at Derek. Makikitang magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad at talaga namang puno ng ngiti ang kanilang mga labi.

Tunay nga na marami ang nanghuhusga at bumabatikos sa kanilang pag-iibigan. Ngunit palagi naman nilang ipinapakita sa publiko na tunay ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa kung kaya naman marahil ay hindi na sila dapat pang pakialamanan ng mga tao sa kanilang paligid.


Para sa kanila ay masaya sila at wala silang tinatapakang tao. Ipinapakita at ginagawa lamang nila ang mga bagay na gusto nila dahil sa masaya sila rito, hindi upang pasayahin ang ibang tao lalo na at sila ay mga public figure.

Hayaan na lamang silang magmahalan at gawin ang lahat ng gusto nila kung ito ang ikaliligaya nilang dalawa. Marahil kahit sino namang taong nagmamahal at minamahal ay gagawin ang lahat maingatan lamang ang kanilang relasyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media