Connect with us

Showbiz

Magagandang mga larawan ni Jillian Ward, agad na pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Si Jhyllianne “Jillian” Warde ay 16 na taong gulang na aktres, commercial model, vlogger, at singer. Siya ay mayroong dugong Filipino-American. Una na siyang hinangaan ng publiko sa pagganap niya sa title role na Gertrudis “Trudis” Capili sa sine novelang pinamagatang “Trudis Liit”.

Photo credit: Jillian Ward instagram

Ginampanan din niya ang karakter ni Marie “Mayi” Madreal/Claveria sa afternoon drama na “Prima Donnas”. Sa paglipas ng panahon ay nasaksihan natin ang naging paglaki niya mula sa pagiging isang cute na cute na bata hanggang sa ngayon na siya ay isa nang ganap na dalaga.

Photo credit: Jillian Ward instagram

Maraming mga netizens ang nakapansin sa angking kagandahan ni Jillian lalo na nang mag-post siya ng isang larawan kung saan siya ay nakasuot ng isang “anime-style school girl uniform”. Usong-uso talaga ito sa mga kabataan ngayon ngunit hindi naman lahat ay magagawang mabigyan ng hustisya ang naturang kasuotan.

Sa edad ngayon ng teen actress na si Jillian ay marami ang nakapansin kung gaano siya kaganda ngayon at talagang malaki na rin ang pinagbago ng kaniyang pangangatawan. Kung dati bilang isang child star ay nakapacute niya at talagang pipisilin moa ng kaniyang mga pisngi ngunit ngayon ay talagang hahanga ka sa mala-diyosa niyang kagandahan.

Photo credit: Jillian Ward instagram

Hindi na maipagkakaila na isa siya sa may pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz at dahil dito ay mas maraming mga Pilipino ang talagang humahanga sa kaniya. Marami siyang mga tagasubaybay sa kaniyang mga social media accounts tulad na lamang halimbawa ng TikTok kung saan makikita ang magagandang videos ng dalaga.

Madalas din ay makikita siyang sumasayaw sa mga videos niya rito. Tunay nga na may angking talento si Jillian bilang isang aktres ngunit biniyayaan din siya ng kagandahan at kabutihang-loob na malaking kaibihan niya sa iba pang mga artista at sikat na personalidad ngayon.

Photo credit: Jillian Ward instagram

Kung kaya naman para sa tulad niyang kabataan na nangangarap din pumasok sa showbiz, marahil ay marami din kayong mapulot na magagandang katangian mula kay Jillian.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media