Connect with us

Showbiz

LJ Reyes hindi napigilang maluha nang tanungin kung involve nga ba ang pera sa hiwalayan nila ni Paolo Contis!

Published

on

Si LJ Reyes kasama ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer ay nasa New York City ngayon kasama ang pamilya ng aktres. Nagpaunlak ng panayam ang aktres sa batikang host na si Boy Abunda upang tuldukan na ang kaniyang katahimikan sa naging hiwalayan nila ng dating partner na si Paolo Contis.

Sa anim na taon na naging relasyon nila ay talagang nagulat ang publiko na hiwalay na silang dalawa sa ngayon lalo na at mayroon silang anak na dalawang taong gulang, si Summer Ayanna Reyes Contis. Ayon sa naging komento ni LJ, talagang nahirapan daw siyang itago sa publiko at sa mga anak niya ang kaniyang pinagdaraanan.

Nilinaw din niya na hindi ito isang “mutual decision” tulad ng mga kumalat na balita sa social media. Gayundin naman, ang “third party” na tinutukoy ng publiko ay “least of her concern” na lamang niya.

Dahil sa mga pangyayaring ito ay nagdesisyon na nga ang aktres na ilayo ang kaniyang mga anak sa mahirap na sitwasyon. Napakahirap para sa isang ina at sa isang taong nagmamahal ang mga rebelasyong ipinahayag ni LJ sa naturang interview.


Nabanggit din ng aktres ang diumano ay pagkalito niya sa taong minahal niya noon at ang taong nakikita niya ngayon sa katauhan ng aktor na kaniyang minahal. Nagkaroon din daw ng maraming rebelasyon sa kaniya nitong mga nagdaang 2 hanggang 3 buwan na talagang ikinagulat niya ng husto.

Nagtiis din daw ang aktres sa mahirap na sitwasyong ito dahil sa inisip niyang kailangan ng kaniyang mga anak ng kumpletong pamilya. Dumating din ang puntong tinanong na niya ang aktor kung gusto pa ng aktor na muling makasama ang kaniyang mga anak at sila bilang isang buong pamilya ngunit sinabi daw nitong “hindi na”.

Naitanong din sa kaniya kung involve nga ba ang pera sa kanilang hiwalayan, ilang segundo ding napahinto sa pagsasalita si LJ at dito nga ay talagang naluha na siya at naging emosyonal ng husto. Sa kabilang banda, maraming mga netizens naman ang galit na galit sa nangyaring ito lalo na at mayroon pang mga bata sa pagitan nila.

Here is the emotional and intriguing moment at the 1:03:08-mark of this video:


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media