Connect with us

Showbiz

LJ Reyes, desidido at hindi papipigil sa kaniyang “balik alindog goals” matapos ang maugong na hiwalayan nila ni Paolo Contis!

Published

on

Si Lourna Jane Pujeda Reyes o mas hinangaan nating lahat bilang si LJ Reyes ay 33 taong gulang na aktres at modelo. Siya ay unang nakilala sa sikat na reality TV show na “StarStruck” kung saan napabilang din siya sa Final Four.

Dahil sa angking ganda at talento ay hindi na nakapagtataka na mabigyan siya ng maraming mga proyekto. Palagi naman niyang pinatutunayan na siya ay isa sa pinakamahusay na aktres ng kaniyang henerasyon.

Maaalalang nagkaroon siya ng anak sa dati niyang nobyo na si Paulo Avelino at pinangalanan niya itong Ethan Akio. Muli niyang binuksan ang kaniyang puso at minahal ang aktor na si Paolo Contis kung saan nabiyayaan naman sila ng isang anak na babae na si Summer Ayana.


Naging mainit at kontrobersiyal ang hiwalayan nila ni Paolo Contis na diumano ay dahil daw sa aktres na si Yen Santos. Pinabulaanan naman ito ng aktor at sinabing siya lamang ang dapat sisihin sa nangyaring ito at hindi ang aktres, ang ipinagbabawal na gamot o maging ang kaniyang nanay-nanayan at manager na si Lolit Solis.

Sa ngayon ay nasa New York si LJ kasama ang kaniyang mga anak. Nasa poder sila ngayon ng kaniyang ina. Marami ang nasorpresa nang makita ang nakakabighaning mga larawan niya sa ginanap na New York Fashion Week 2021.

Umani ito ng maraming positibong komento at reaksyon mula sa publiko. Makikita kasing napaka-fierce at napaka-blooming ng aktres.

Kamakailan lamang ay napansin din ng kaniyang mga tagahanga ang ilang mga larawan na ibinabahagi niya online kung saan makikita ang kaniyang work-out routines. Sa ngayon ay naglalaan na rin ng oras si LJ para sa kaniyang sarili at sinisikap niyang maibalik ang dati niyang pangangatawan.

Nagsilbi rin naman siyang inspirasyon sa maraming mga kababaihan na hindi dapat pabayaan ang kanilang kalusugan at pangangatawan. Sa pamamagitan nito ay mas masisiguro mong malusog at malakas ka hindi lamang para sa iyong sarili kundi higit para sa mga anak mong umaasa sa iyo.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media